IYAKIN
Ako lang ba? Ako lang ba ang may anak na napakaiyakin?? Yung tipong ginawang libangan ang pag iyak ?? Grabe po di ko na alam gagawin ko pagod na pagod na ako mga ka mama. Ayaw magpalapag ni lo. Ginawa din pacifier yung dede ko, meron naman syang pacifier pero ayaw nya.. Nakakatulog lang din sya kapag Karga ko pero yung akma mo na syang ilalapag ayan na naman dilat na dilat yung mata at ngangalngal na naman πππ yung iyak pa naman ay kala moy kinakatay. Try ko na mgswaddle, triny ko na din hilot hilotin baka may kabag pero wa epek.. Inis na inis nako sa totoo lang. Bukod sa pagod,puyat na puyat pa ako kasi nahihimbing lang sya kapag sa dibdib ko natutulog π©π© pero kpag ilalapag ko na ayan na nmn si bibig na walang tigil ππ Firsttime mom po ako hinge po sana ako ng tips kung ano dapat kung gawin kay loπ

Momshie, naiintindihan ko naman na napapagod ka at sobrang frustrating kapag nagtuloy2 ang iyak ni lo. Wg mo cia paiyakin lang ibababa mo then kakalmahin muna sarili mo... Always think na habang umiiyak cia, pumapsok din ang hangin sa tyan nya and mskit ang kabag sa kanila. Baka nga kabag yn kaya hndi tumitigil ng iyak. Try mo po ihele ng dahan dahan ng nakapatayo, ingat lng sa alalay sa batok and balakang nya dhil newborn pa cia. Need lumabas ng kabag. Icheck mo lahat, tingin mo ba busog cia? Kabag? Tap mo tyan if tunog tambol, kabag yan. Or baka may pupu sa diaper?? Plgi muna check, busog ba, kabag, burp and if may pupu. Always think mommy ikaw lang ang inaasahan nya, pano na cia if hndi mo cia aalagaan.. hndi cia nakakapagsalita, pano na cia if maskit pala tyan nya hndi nya masasabi, kya it's up to you to figure it out. Pinagdadaanan ko din yan ngayon pero pag nafrustrate na ko iremind ko lng srili ko na no, ako lang inaasahan nya, hndi ako pwedeng sumuko π madalas kabag ang dahilan ng iyak nila momshie, kasi kada dede satin may pumapasok din na hangin sknila kaya madami tlga hangin sa tyan nila.. need mo yan mapautot. Effective ung anti colic oil (calm tummies) ng tiny buds. Lagyan ko lang tyan nya non ilang mins lng uutot na cia ng uutot. Nabbawasan na discomfort nya, happy baby na ulit cia βΊοΈ
Magbasa pa


