New born - ayaw palapag

Hi Mommies. Advice naman dyan. Kakapanganak ko lang via CS. And yung baby ko, since nung lumabas kami sa hospital, gusto nya lang lagi syang karga. Pag pinapatulog namin at ilalapag na, grabe umiyak. Hindi naman kasi pwede buong araw namin sya karga kahit tulog sya, lalo na ako. Advice naman po, ano ba dapat namin gawin? #advicepls #firstbaby #1stimemom #momcommunity

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, same po tayo. Cs din ako nuon and ako lang mag isa kay baby kasi nasa work na partner ko, mahirap po talaga, iiyak ng iiyak at gusto lagi karga kasi nag aadjust sila, need po talaga ibigay ang gusto ni baby kahit mahirap, sabi lang po ng OB ko nun, basta wag magbuhat ng mas mabigat pa kay Baby. Kaya mo yan momsh, pag wala na po sa newborn stage si baby, mababago na po yan. Try mo rin po duyan, baka gumana sa kanya. 🙏 Wala po kasi masarap sa feeling nila kundi karga,hele at dede. Goodluck mumsh! Malalampasan mo rin yan, sacrifice nga lang muna. ♥️

Magbasa pa

hi Mommies, thanks sa advice. Medyo naninibago lang din siguro kami dahil kami lang talaga ni hubby ang nag aasikaso kay baby. may times na need ko rin ng tulong ni hubby kasi 6 days pa lang nung na CS ako, pero need ko gawin mag isa kasi buhat buhat ni hubby si baby. nakakalungkot lang kasi malayo ako sa family ko, at both working din ang parents ni hubby (only child sya, kaya kami lang lagi sa bahay 2) nakakaawa lang din si hubby. pero good to know na maaari pa magbago si baby. natatakot kasi ako na pagbalik ni hubby sa work, hindi ko kayanin mag isa 😔

Magbasa pa
4y ago

same here.. di kami nakauwi ni lip dahil sa pandemic, mahirap magrisk sa byahe. ang hirap manganak ng wala kang nanay na kasama na mag aaruga sa inyo. anyway, tama po magbabago din si baby. pag ayaw palagay ni lo, sinasabayan ko xa ng higa habang hawak xa sa syd para mafeel nya that im with him. then if maayos na sleep nya, linalapag ko na xa ng maigi.

Same tayo CS din ako kapag na work na asawa ko ako lahat kilos sa bahay at alaga kay baby ganyan din panganay ko ayaw magpababa dumating sa time na umiyak na ako kasi ayaw nya talaga matulog at magpababa 😅 mabuti na lang may duyan anak ko kapag nilalapag ko sya dun at dinuduyan kumakalma sya hanggang sa makatulog. Magbabago pa naman po yan habang lumalaki si baby.

Magbasa pa
VIP Member

pasensya lang po mumsh kasi naninibago po si baby pero try nyo po iswaddle