hindi na masaya

Advice po, pano kung sinabihan ka ng asawa mo na hindi na ikaw ang nagpapasaya sakanya? anong dapat gawin? Matagal ko naman ng ramdam yun na napipilitan na lang sya, kahit mga kasal namin parang ayaw nyang asikasuhin noon eh,pinush ko lang talaga magpakasal para sa magiging baby namin, hindi ko alam kung pipilit ko pa ba sarili ko sakanya o hindi na kaso kasi manganganak na ko ayokong magkaroon ng broken family baby ko, kahit buntis ako at naglalabor na nakuha nya pa din akong pagbuhatan ng kamay dahil lang sa pinigilan ko syang maglaro na sabi nya un na lang daw nagpapasaya sakanya.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ang childish naman ng asawa mo sis, di niya man lang inisip kalagayan mo bago ka pagbuhatan ng kamay. Pero baka depressed kasi si hubby mo sis? baka di pa niya nageenjoy ang pagkabinata niya tapos tinulak niyo pa sa kasalan, tapos magkakaanak na kayo tapos pagbabawalan mo pa maglaro. May depression stage din kasi ang mga lalake kapag buntis si misis. Nasasainyo na yan kung paano niyo ireresolba yung depression niya/niyo.

Magbasa pa