Heart to Heart

7yrs na kme ngssma ng LIP ko. may 6yo daughter at almost 1mo old daughter. meron kme problema: trust issue ska wala kme maayos na communication like yung ibang mag partner na nagkkwentuhan at nagoopen up sa isat isa ganun. since bagong panganak lang ako halos, ewan bakit hnd ako masaya na nasundan panganay namin. dahil siguro nga walang assurance at stability sa relasyon namin. gusto ko na lang sana makipaghiwalay pero ung mga bata sa side nya-kase mas maaalagaan doon ng byenan ko, senior na dn kase parents ko at ayaw ko na sila mahirapan. ano ba dapat ko gawin? -maghanap muna ng trabaho bago dumesisyon? -cool off lang muna para malaman talaga kung mahal namin isat isa talaga o hindi na? -advise nyo? alam ko sa sarili ko matagal nako di masaya. dati pala nananakit sya na humantong kami sa baranggayan pero naayos naman. nangyare yan nung maliit pa ung panganay namin, at wala din ako trabaho nun. di sya maka appreciate ng gawa ko, lahat puna. kaya siguro bumalik sakin lahat un ngayon sa 2nd baby namin parang natrauma ba. thanks in adv. pasensya sa mahabang post. wala lang akong ibang makausap na mapagkakatiwalaan. ayaw ko din bigyan pa ng stress parents ko kung sila kakausapin ko.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

kung san po kayo mas mgging maayos na kung saan, di maaapektuhan ang anak nyo mommy doon po kayo . . opinion ko lng naman po . . try nyo po muna siguro ayusin kung saang parte kayo may problema. sa ngayon sacrifice po muna kayo hanap po kayo ng work kc mukang dun ka maaappreciate ng asawa mo di maiiwasan sa away magasawa kung di sapat ang budget. intindihin nyo nlng rin po muna hubby mo. nappressure cguro sya lalo at pandemic. syempre need nya po kayo buhayin. pag ngkawork ka cguro naman po mbbwasan na ang stress nya at doon nyo po itry na mgkaroon ng maayos na komunikasyon at koneksyon. pag ngwork mas mabuti po. pero if hindi ngwork, iba na po cguro ang dahilan at dapat mangyari. kung maghiwalay man po kayo atlis msasabi nyo po na gumawa ka ng paraan para isalba relasyon nyo. samahan nyo po ng dasal mommy.

Magbasa pa