OGTT EXPERIENCE

Mga mommies. Any tips po para hindi masuka kapag nagpa ogtt? Scheduled po ako by 3rd week ng june and kabado ako dahil madalas pa rin ako magsuka kahit 22wks na ako. Thankyou!

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

3 times po ako umulit niyan hahaha sa awa ng diyos nakayanan ko naman nung pang huli. ako kasi nun kaya ako nasusuka, pag hiningal ako or kumilos ako kahit onte. ayun nahihilo ako tas nasusuka ko. kaya ang ginawa ko nun, stay put lang talaga at naka upo lang at nag pophone. para di ko mamalayan yung oras.

Magbasa pa

Di ko po inisip na masusuka ako, dahil gutom at uhaw din kasi ako inisip ko nalang na yung juice na pinainom sakin ay simpleng juice lang din naman. Tapos e divert ang pag iisip, like nood nood lang kdrama para di maisip na "parang nasusuka ako" Talagang mind over matter lang po.

Magbasa pa

no choice kundi labanan. Ako kahapon nagpa OGTT. Nilabanan ko ung parang nasusuka ako na gusto ilabas ung ininom. Uulit ka kasi pag nagsuka ka. ireresched ka nila. Sayang naman effort mo na nag fasting at pumunta para magpa test. Samahan mo na din ng dasal mi ❤️

pag pure sugar talaga yung iinomin mo, nakakahilo at nakakasuka talaga. pero pag yung flavored drink na glucose parang vitamins lng. 1st and 2nd born ko sugar na mixed sa hot water lang po.. dahan2 lang inomin pag d mo kaya po hanggang sa maubos po.

wala naman masyadong tips bukod po sa labanan nyo po or pigilan yung urge ng pagsuka kasi pag sinuka mo uulit ka lang at gagastos ulit. pumunta ng maaga since may fasting yun, pag late masyado at gutom sure na maduduwal non.

yes mamsh tiis tiis ka tlga kasi feeling mo tlga masusuka kapag di mo rin kinaya ung lasa. ang ginawa ko nun lunok lng ako ng lunok tpos nakatingala para di ko masuka huhu kasi ayaw ko na umulit.

labanan niyo lang po ang pagsusuka, kaya mo yan.. ako nga rin po, talagang pinigilan ko masuka kahit hilong-hilo na ako, muntikan pa nga ako matumba.. pero nakaya ko naman.. ☺

Dahan-dahanin mo sis.. Wag biglain, kasi nakakasuka talaga ung sobrang tamis nya... Tiisin mo lang, kesa mag take 2 ka.. Hirap pa naman mag fasting pag preggy..

TapFluencer

tiis lang mi.. pag sinuka mo yan after 3 days retake k uli . para di sayang ang fasting u, been there mi. kakatapos q lang jan. Ayos naman lasa mi sobra tamis lang xa.

For me di naman nakaka suka masarap nga yung juice, yung pag kuha lang ng blood every hour and also fasting, nakaka gutom sobra.