Losing my baby..

I lost my baby. I had an emergency CS at 7 months, first baby, ang sakit sakit, araw araw ako umiiyak di ko alam kung paano ako mag move on, araw2 ko naalala baby ko, di ko man lang sya nahawakan, sobrang sakit nadudurog yung puso ko araw2..inantay namin sya, 3 yrs of marriage bago aq nabuntis tapos ganito ang nangyari. Makakaya ko pa kaya?#advicepls

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaya mo yan mommy, pray lang po palagi. Isipin mo na lang may guardian angel na kayo ng daddy nya. Mahirap po mawalan ng anak pero there's a reason po kung bakit nangyari ang lahat. 7 months ago nawala din 1st baby ko, girl. Full term sya nung ipinanganak then one day bigla napansin namin di normal paghinga nya pagdating sa hospital DOA na raw at dineclare na COVID kaya kahit hating gabi inilibing namin sya di man kami nakapaglamay. Halos 24 days lang namin sya nakasama. I'm currently 22 weeks pregnant na po with our 2nd baby, boy. Payo ko po sayo wag masyado mag-isip, hanap ka po ng mapaglilibangan mo.Magpakatatag ka mommy, nakikinig si God sa mga prayers natin.

Magbasa pa

masakit mawalan ng anak, walang kasing sakit, and there's no comforting words pra gumaan lahat ng nararamdaman mo. just pray and trust god's plan. manalig ka lng at mkikita mo dn ang magandang rason sa lahat ng nangyari. I also lost my son last year, he's 1yr & 9mos, sobrang sakit kasi nandun na ung mga pangarap namin para sa knya but then i realized merun mas magndang plano sa knya si God. kung merun mng lugar na pra sa knila, un ay ang heaven, paradise ni God. They will be in our hearts forever and angel na natin sila ngayon. Walang ibibigay si lord na hnd natin kakayanin. Sending Hugs sayo mamshie! ❤

Magbasa pa
3y ago

hi mommy sorry for your loss po, ask ko lang po sana bakit po nawala si baby. hope u dont mind mommy..

i feel you momsh! sending virtual hugs♥️ same situation tayo 7 months din ng bigla akong nag emergency labor . naka schedule nako para sa emergency cs kase breech si baby pero di ko na talaga kaya nainormal ko sya pero patay na syang lumabas . nakakadurog ng puso di ko manlang sya narinig na umiyak 😭 . last march 26 lang nangyare saken to sa first baby ko kaya sobrang durog parin ako . magpakatatag ka kausapin mo lagi asawa mo kaya nyo yan . pag ramdam mong nalulungkot ka iiyak mo lang hanggang sa maubos luha mo kung dyan gagaan ung pakiramdam mo di ka nag iisa momsh tibayan mo loob mo 🙏♥️

Magbasa pa
Post reply image
3y ago

di rin po maipaliwanag ng doctor kase wala naman akong contraction na naramdaman o kahet pag durugo bigla nalang talagang pumutok panubigan ko . pero sabe posible dw na uti ung cause

I lost my baby last 2021 she is 2yrs old &4months Sobrang sakit mawalan ng anak Grabe Yung halos araw araw ka nalang iiyak hindi mo na alam kung ano gagawin mo masakit bilang isang ina na mawalan ng anak kasi lahat ng pagod mo lahat ginagawa mo para feeling ko nasayang lang lahat Pero Laban lang mommy KAYAA NATIN TO 😊💪🏻🥺 At Ngayon I'm 31weeks na po sa second baby ko po 💗🙏🏻 at sana ok lang lahat manalig lang po tayo palagi kay god And have faith po at ALWAYS PRAY LANG PO GOD IS GOOD ALL THE TIME 😊💗🙏🏻

Magbasa pa

sorry for your loss mommy. last Dec 2020 I lost my first born. manganak Ako via normal delivery at 36 weeks pero we saw him for 14 hrs. we have to accept and believe na pagsubok lahat UN and nasa much better place UN first baby nmin. now I'm 34 weeks sa second baby nmin and Awa and tulong Ng Diyos normal na lahat sa second baby nmin. Things happen for a reason...d man natin maiintindihan ngaun. just continue to have faith and always have positive outlook sa life.

Magbasa pa
3y ago

May I know po ang pagkawala ni baby despite na 36 weeks syang naipanganak?

Sorry for your loss my. At sa lahat ng mommies dito na nawalan din ng babies. Alam ko kahit anong words of comfort kulang para mapunan yung mga nawala sa puso nyo. Pero sabi nga nila, in God's perfect time mabiyayaan na ulit kayo. Paalaga lang din kayo mies sa OB from trying to conceive up to makabuo ulit. May mga maselan talaga magbuntis. Baby dust on your way and God bless. Hopefully magkaroon kayo ng rainbow babies 🤗🌈

Magbasa pa
TapFluencer

Sorry for your loss, napakasakit tlga mawalan ng anak sis mine is 1 yr and 5 months, parang nasayang lahat ng effort ko bilang nanay nung nawala ang baby ko 5 months ago plng d ko minsan kinakaya, lagi ko hinahanap ung tawa nya ung iyak nya, ung kakulitan nya na nagpapasaya samin. d ko alam kelan ako makaka move on as in sobrang sakit worst thing na pde mangyare sa isang ina ang mawalan ng anak. Pkattag lng sis d ka nag iisa

Magbasa pa
3y ago

hi mommy sorry for your loss, i hope u dont mind po and okay lang itanong kung bat po nawala si baby mo?

sorry for your loss Mommy. ako po kahapon lng nakunan. pangalawang beses na. wala pa po kaming anak ng asawa ko. hindi ako lumalagpas ng first trimester nakukunan agad ako. 2 years na kaming married ng asawa ko. nakakalungkot po sobra. everyday din akong umiiyak. manalig lang po tayo kay God. sa mga ganitong panahon na mahina po tayo, mas kailangan natin si God. take it day by day, makakaya din natin soon.

Magbasa pa
3y ago

let’s be friends po. so we can share ideas po. and find hope. I’m 30 yrs. old po.

di ka po nagiisa momsh.. I lost my baby too at 7 months, last March 2. normal delivery and 1st baby din, 1 week din ako nun umiiyak but we need to accept that God has his reasons for all of this. pray lang po Tayo at magpakatatag. I'm sure lagi tayong binabantayan ng baby angels natin. soon babalik din sila sa tummy natin tiwala lang.

Magbasa pa
3y ago

Thank you po.

sorry for your loss po..ako din po hanggang ngayon hirap na hirap pa din po akong tanggapin na nawala sakin mga baby ko.pray lang po tayo palagi at magtiwala sa panginoon malalagpasan po natin ito at dadating din po yung time na ibibigay din po nya satin ang mga baby na hinihiling po natin..magtiwala lang po tayo sa kanya.

Magbasa pa