Sobrang nadudurog ang puso ko

6days post partum Ewan mga mii pero siguro OA lang ako. Nagdecide kasi mil ko na lumipat kami sakanila pansamantala. Pero ayoko talaga. Sobrang naiiyak ako di ko mapigilan.l. Para daw masamahan kami mag alaga. Pero sakin ok lang kahit walang kasama kasi kakayanin ko lahat para kay baby ko. Pero wala naman akong magawa kasi un ang gusto nila para sa bata at payag din ang asawa ko.di ko na alam gagawin ko. Sobrang excited din nila kasi first apo. Isipin niyo na mga mii na selfish ako.. ewan nadudurog ang puso ko mga miii🥺

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nasa ganitong situation ako ngayon, grateful ako sa pag aalaga nila sa baby ko dahil kailangan ko ng pahinga pero minsan hindi ko na ramdam na ako ang nanay ng anak ko. nakakainis, nakakastress, umiiyak ako sa sama ng loob pero tinitiis ko. matagal pang pagtitiis to, ang tagal ko pang naka maternity leave. wag kang papayag lumipat sa bahay ng mil mo kung ayaw mo matulad sa akin.

Magbasa pa
2y ago

naranasan ko yan sa panganay ko dun pa kame nakatira sa parents ng partner ko and halos di ko na maalagaan si baby kase na kay mil siya lge. siya at yung kapatid na babae ni partner lge may hawak kay baby. ayaw ibigay saken, sa gabi pag umiiyak kinukuha naman ni mil si baby at pinapatulog niya sa tabi niya. tapos pag may kapitbahay tinatanung siya kung kaninong anak yung baby sinasabi niya sa kanya dun talaga ako inis na inis. napaka insensitive lang. kaya di magaan loob ko sa kanya dahil dun 😅 buti ngayon sa bunso ko nakabukod na kami. bumibisita na lang kami paminsan-minsan sa mil ko pero ayaw ko talaga nagtatagal dun gusto ko uwe agad. hahaha