Sobrang nadudurog ang puso ko

6days post partum Ewan mga mii pero siguro OA lang ako. Nagdecide kasi mil ko na lumipat kami sakanila pansamantala. Pero ayoko talaga. Sobrang naiiyak ako di ko mapigilan.l. Para daw masamahan kami mag alaga. Pero sakin ok lang kahit walang kasama kasi kakayanin ko lahat para kay baby ko. Pero wala naman akong magawa kasi un ang gusto nila para sa bata at payag din ang asawa ko.di ko na alam gagawin ko. Sobrang excited din nila kasi first apo. Isipin niyo na mga mii na selfish ako.. ewan nadudurog ang puso ko mga miii🥺

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ok lang siguro kung mababait ang inlaws mo mii. Ako naranasan ko yan sa 1st born ko. Simula nanganak ako andun na ako inabot na ng 3 months sa loob ng 3 months na yun nakilala ko ang ugali nila. Ang hirap makisama, namayat ako dun kasi limited lang yung kain ko kasi nahihiya ako. Breastfeed pa naman ako dati sa panganay ko. Yun kasing tatay ng asawa ko ultimong kasambahay ng anak nya sinasabing malakas daw kumain mahagot daw sa bigas. E anu pa ako na angbbreastfeed di ba. Gabi gabi din ako umiiyak nun dahil feeling ko nag iisa ako. Yung mister ko kasi ay sa probinsya namin nagwowork. Kaya after binyag ng anak ko umuwi na kami sa amin sa probjnsya di na ko pumayag mag stay ng matagal. Ang hirap makisama, nararamdaman ko minsan na di nila ako gusto.

Magbasa pa