sana naman naisip nila buntis ka, pandemic pa. saka may asawa ka na, mag kakaanak ka pa.. sila dapat mag ama mo ang priority mo kahit nagwowork ka pa. kung magbibigay ka sa magulang at kapatid mo, magpasalamat na lang sila and if not, wala dapat samaan ng loob. di obligasyon ng anak ang magulang. di rin ibligasyon ng kapatid ang kapatid niya. very toxic pinoy culture talaga yang ganyang mindset na dapat nagbibigay pa sa magulang at kapatid kahit may kanya kanya na buhay pamilya. Im really sorry momsh pero para sakin, mas maigi na lang na wag mo na muna sila masyado kausapin if that stresses you out. focus on your baby na lang dahil baka kung ano pa mangyari sa kanya kapag stress ka lagi. if kailangan mo sila talaga iwasan dahil toxic na, iwasan mo. wag ka na sumagot sa mga patutsada sayo, dedmahin mo lang. 6 naman kaung magkakapatid, may 5 pang pwedeng sumuporta sa magulang mo. wag mo akuin lahat. kung gusto mo maretain respeto mo sa kanila, iwasan mo na lang muna sila. kasi kapag pinapansin mo, lalo mo lang makikita gano sila katoxic.