So greatful to have a supportive mom! ❤

Aminado kame mag-asawa na wala talaga kaming sapat na ipon for my pregnancy due to pandemic. On call lang kase lagi sya sa trabaho at napaka bihira lang din nya tawagan. Nagkakasabay sabay pa lahat ng bills at may motor pa na kailangang hulugan (service ni hubby papuntang work) Kahit anak ako ni mama, hindi parin mawala sakin yung hiya pag manghihiram ako sa kanya ng pera. At dahil kabuwanan ko na next month kailangan makompleto ko na lahat and I don't know how to tell her na wala pang kagamit gamit si baby. Kanina lang, nagulat ako nung biglang inabot ni mama yung mga essentials na kakailanganin namin mag-ina, since wala naman akong sinasabi sa kanya. Nangingilid nalang talaga luha ko. Nagbabalak palang kase kame mag-asawa na magsabi kay mama ko na manghihiram ng pera, and surprisingly binili na pala nya lahat. (hindi kame makaasa sa biyanan ko ngayon, kase walang wala din sila, nanghingi din naman sila ng pasensya.) Napaka terror ni mama, as in super. Kaya lahat kame magkakapatid takot sa kanya. Pero ngayon na magkakaapo na sya, halos lahat sya ang nag provide. Wala syang sinasabi na utang namin un. Pero bilang respeto dahil nag asawa na nga kame kailangan parin namin bayaran dahil hindi na dapat kame naasa sa kanila. Si mama din pala nagbayad ng philhealth ko na almost 4k. Bumili din sila ng lupa malapit dito sa kanila, para pagtayuan daw ng bahay namen next year. Ayaw din kase na malayo sa apo, first apo kase nila. Napaka blessed ko to have my mom. ❤ Sana mabilis ko lang naiprocess ang sss maternity benefits ko, para makabayad agad ako kay mama. #1stimemom spread the love.

So greatful to have a supportive mom! ❤
41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa smin nman , ung nanay ko din ang bumili ng ibang essential ni baby , tupperware n lalagyan ng essential ko , pero kmi n lhat ang bumili ng mga gmt at ibang essential .. sinikap din nmin mapag ipunan ung pag anak ko dhl una plng cnabihan n kme ng magulang ko n mag ipon , wla din kse ung biyanan kong maibibigay smen , dhl kme din ang nag papadala skanya .. then 8 months nwala c tatay , nag punta ng dumagete para ayusin ung lupa nla .. then pag blalik nla , nag babalak n kme lumipat .. actually noon plng nag babalak n kme kumuha ng house and lot , pero sbi ni tatay tsaka n daw .. then ngaun , nag babalak kme pero sbi nya wag n daw muna kme kumuha dhl bka matuloy ung deal nla s lupa , gusto nya kong bigyan ng pang negosyo at gusto nya kme mag kakapatid bigyan ng lupa s bibilhin nyang lupa pra ndi malayo s mga anak at apo nya .. sbi nga nung pangatlo smin mag kakapatid n nkasama ni tatay s dumagete , swerte ko daw , dhl pag natuloy ung s lupa , malaki n daw ang mapupunta skanya , pero mas malaki p daw ang bibitawan sken ni tatay .. ndi p nya naibibigyay pero thankful n gad ako , dhl kht madalas kme magkatampuhan ni tatay , ayaw nya p din ako pabayaan , cguro dhl ako ung bunso s anim .. pero by next week lilipat muna kme idadaos lng nmin muna ung 2months ni baby s 25 then s 28 mag rerent muna dhl ayaw kme pabilhin ng lupa .. medyo malapit lng din nman skanila ung lilipatan nmin , kya anytime n my kailangan cla ng nanay ko makakapunta agad , kya nman lakarin eh .. purpose ng pag lipat nmin , dhl gusto nmin maipakita n kya nmin , n ndi kme aasa , actually dto nman s bahay ng nanay ko ndi nman kme umaasa kse kme mag asawa ung bumibili ng bigas salitan kming tatlo ng nanay ko at nung padalawa smin mag kakapatid dhil ndi nmin ksama ung ate ko , dalawa ng kse kme babae at apat n lalaki , panganay ung ate ko at bunso ako .. nsa palawan ang ate ko , kya kme ng kua ko n padalawa smin at c nanay ang bumibili ng bigas , dhl kme lng ni kua ang my pamilya dto s bahay .. meron din nman ung sinundan ko , pero hiwalay cla ng asawa nya , kya madalang sya bumili .. then s ulam nman , pag my budget kme mag asawa , kme n ang bumibili para s lhat dhl ung kua ko madalang bumili ng ulam n pra s lhat .. ung binibili kse nla eh ung pra skanila lng mag anak .. unfair pra smin mag asawa dhl nkikinabang cla s ulam nmin pero kmeng lhat ndi mapakinabangan ung ulam nla , kso anong magagawa nmin ? minsan dhl s sma ng loob , tumitulo nlng ung luha ko , kse ok lng nman sna kung kme ndi nya mabigyan , kht ung nanay at tatay nlng nmin .. kso wla eh , wlang magagawa .. pero s totoo lng npaka swerte ko p din s magulang nmin , kht n npakapasaway nming anak , lalu n ngaun n my baby nko , ngaun ko mas naramdaman ung pag aalaga at pag mamhal nla 😊

Magbasa pa

same here mamsh si mama lahat bumili ng gamit ni baby dahil on call lang din si Mr. then walang wala din side ng Mr. ko. pati foods at bills namen sya lahat nag po provide. nahihiya din ako sa kanya pero ang sabi nya lang saken hanggat kaya kong tumulong tutulong ako. kase anak ko kayo. nakakaiyak nga lang pag naiisip ko lahat ng sakripisyo ni mama saken. d bale mamsh makakabawi din tayo sa mga parents natin d lang muna ngayon pero balang araw 😊💕

Magbasa pa
Post reply image

same here... my mom also secured money para sa panganganak ko.. kakabalik lang kasi sa work ng husband ko.. so ginawa ni mama nagloan sya ng malaki at pinasok na sa accnt ko.. sabi ko babayaran nalang namin kapag nakasahod na.. pero i know di naman sya naniningil... cs kasi ako sa January pa naman pero gusto nia na may pera na nakatabi just in case... lagi kami nag aaway ni mama pero ung love and care nya.. nandun always... pasaway kasi ako minsan...

Magbasa pa

Ahay same tayo ng case mommmy. Sobrnag hirap wala talaga pambili ng mga gamit ni Baby due to pandemic and ganun din partner ko, kulang pa pambyad ng motoe yung byahe nya sa Grab food😢 Pero swerte mo lang kasi may Mother ka na kaya mag bigay ng ganyan, si mama oag meron mag bibigay din sana, kaso hirap din dun sa min sa Probinsya eh. Hays God bless you Mommy, same din tayo ng kabuwanan next month na din ako manganganak😇

Magbasa pa
4y ago

Amen! ❤️❤️❤️ God bless din sa inyo Mommy 😍

Sana all☹️ sakin Kasi Yung byenan ko sa side Ng asawa ko mga wala pang maingay sa asawa kopa nanghihingi Ng pera na Alam Naman nilang buntis ako tapos Ang papa ko Naman di kasya Ang sahod dahil hanggang ngayon nagbbyad padin Ng utang sa sss at pagibig at sa company Nila nasunugan Kasi kami last year . Hoping padin matulungan Nila Kasi sa gastusin ko sa panganganak next year ❤️

Magbasa pa
4y ago

Sorry to know that momsh. Wag kang mag gigive up kay God. He always provide. ❤

VIP Member

Sana Andito pa si Mama para makita nya Pangapat nyang Apo sakin ..Yung tatlo spoiled sa knya lalo na ung 2 girls ko. Nakakamiss may Mama sa tabi mo🥺🥺.She passed away last year exact birthdate ng Panganay kong Babae na namatay nrin..Magksama na sila magLola super Happy siguro si Mama dun kasi Fave nyang Apo din un..First Apo na Babae din kasi un 5.yo kinuha samin😔😔😔

Magbasa pa
4y ago

sorry to know that momsh God bless you

VIP Member

Same here Mamsh ☺️ At first nag advance gift na siya like Bottle Sterilizer. Then due to pandemic, naquarantine partner ko for 3 weeks kaya natengga income namin. At first nagsabi ako kay Mother na pahiram muna for baby pero ang ginawa niya binili niya lahat ng kulang sa baby namin imbes na magkautang. So really blessed to have a mother like them 💕

Magbasa pa

Same tayo mumsh, blessed tayo sa Mama natin ❤ minsan nahihiya na nga ko e, kasi same kami ni mister wala pang work dito din kami sa mama ko nakikitira minsan sya na nabili diaper, vitamins and cerelac ni baby. Kaya hahanap nako work para naman maka bawas naman sa gastos si mama. Thank you sa mga parents natin kasi andiyan padin sila to support us ❤

Magbasa pa

same tyo momsh mader ko ganyan din essential needs and philhealth ko pti gastos sa panganganak ko sta din kse ung jowa ko dmi bayarin nabangon pa kse sya dhil isa din sla sa naapektuhan ng pandemic negosyo lang sla wala nagtatrabaho sa kanila pero ung hubby ko sya nagastos ng mga knakain ko at ibang needs ko 😍

Magbasa pa

Pareho tayo sis,, ung kita ng asawa ko panggamot ko lang at pangpacheck up sa ob, may pre eclampsia kc ako... Lahat ng gamit ng baby ko mother ko ang bumili, 28 weeks plang pero kumpleto na gamit ni baby ngaun.. masarap talaga ang may nanay na mabunganga pero mapagmahal 😁😁

4y ago

oo momsh, mabungabunga lang talaga sila pero iba parin mag provide pag alam nilang hindi na kaya at kailangang kailangan na talaga