Ayaw maglatch sa akin ni LO

4mos and 14 days baby ko. Nung nag 1mo sya nagdecide ako imix na sya kasi mahina mag gain ng weight. Bonna po milk niya. Hindi ko minimix directly ang breast milk at formula sa bote. Direct latch si baby tapos bottle na kapag gutom pa siya. Kaso bigla na lang ayaw maglatch sa akin ni baby. Halos mag-iisang linggo na. Umiiyak na siya pero dumedede naman siya sa bote. Paano po ba para bumalik ulit sya maglatch sa akin? First time mom po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nipple confused na po ang baby nyo, meaning mas prefer na nila ang artifical nipple.compared to the real one. No other way to get them back into the breast other than to quit using bottles and artifical nipples altogether at sanayin muling magdirect latch. If magpapainom ng pumped breastmilk, cupfeeding dapat. Maraming iyakan for sure but it's the only way. Reminder lang po na ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's OUTPUT (poops, wiwi, pawis), at NEVER sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas/ laki ng dede. And remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ Also, babies don't only nurse on our breasts for feeding purposes but for comfort as well.

Magbasa pa
Post reply image
5d ago

It takes less effort po kasi for baby ang magfeed sa bottle compared sa breast, kaya eventually prefer na nila bottle. Sa bottle, kahit maliit butas ay tutulo ang milk at konting pisil lang ay labas na ang gatas. Unlike sa paglatch sa breast, bukod sa tamang technique, maraming mouth and throat muscles ang kailangan iengage ni baby para mapalabas ang breastmilk. But because of this, kaya sinasabi na no overfeeding sa directly latched breasfed baby kasi nga, baby will only feed when they actually need to dahil nga it takes a lot of effort from them. Kung nakababad man si baby sa breast, usually it's just for comfort and not really actively feeding (parang pacifier lang 😊). Also, engaging these mouth and throat muscles during breastfeeding is actually baby's training in preparation for chewing and swallowing solid foods 😊 Pasensya na po sa unsolicited extra information... breastfeeding advocate lang po 😅 Goodluck po sa inyo ni baby ☺️🙏