Baby gain weight
Paano po kaya padamihin ang supply ng breastmilk para mag gain weight si baby, feeling ko po kasi hinde sya sumasapat everytime magdede sya pag tumigil po maglatch naiyak pa rin. Nakakatulog lang pag nagtimpla n ng bote
Ang best na "pampadami" ng breastmilk ay Unlilatch/ feed on demand lang po and keep yourself healthy and well-hydrated ☺️ Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ Also, ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's output (poops, wiwi, pawis), at hindi sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas ng dede. And remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ Babies don't latch only for feeding but for comfort as well. Since it's based on Supply and Demand, the more na magbigay kayo ng formula milk, the less breastmilk ang kakailangin ni baby kasi mabubusog na sya agad sa fm. Therefore it will signal your body to produce less milk. And soon enough, kokonti at mawawala na ang bm nyo.
Magbasa paUnli latch mi, and then more sabaw and malunggay yun lang ginagawa ko dati nag M2 din ako. 10 months na si LO madami pa din naman ang milk ko.