1st time bf mom

Hi, 3rd day ko palang as bf mom kaso sobrang sakit na ng nipple ko and hindi ko na talaga kaya magpabf, nagstop muna ako and nag formula dahil iyak na ng iyak si baby at parang hindi enough yung supply na nakukuha nya. Ngayon 4th day, naninigas na yung breast ko pero di ko kaya ipalatch or pump ano pong consequence neto or ano pede kong gawin para mawala yung paninigas at pamamaga ng nipple? Sobrang maga na po yung nipple

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Make sure po to learn how to DEEP LATCH. Common po ang nipple pain sa breastfeeding moms kasi ang usual advice na natatanggap natin ay "natural lang yan. Tiisin mo lang, masasanay ka rin" 😢 but the truth is that breastfeeding is NOT supposed to be painful. Kapag masakit po, i-unlatch si baby and try again (insert a clean finger sa pisngi ni baby to break the suction). Medyo challenging po at first na mamaster ang deep latch pero once nakuha nyo na po, it's well worth it. Watch this video on how to avoid nipple pain: https://youtu.be/WVEABNhXr1A?si=Y1f8voRdjOHSp51D For breast engorgement, you need po to express some milk (hand expression or pump) to relieve the pressure, then ipalatch kay baby. Kapag sobrang engorged/ malakas ang milk pressure, aayaw si baby kaya better na mabawasan muna yung pressure. You can apply cold compress/ cold cabbage leaf for relief. Be wary of mastitis (red and swollen breast, with fever), punta po agad ng hospital if this is the case.

Magbasa pa

1st time mom din ako , ganyan talaga masakit sa nipple to the point na nagsusugat pa kakadede ni baby(umiiyak pa ako dahil masakit talaga) pero sabe nga nila anak mo din ang makakagamot sa sugat mo . ganyan kase nangyare sa akin pero ako kase pag katapos dumede ni baby at nakatulog na nilalagyan ko ng cream para kahit papaano nalelease yung pain .. sa hina naman ng gatas ? padedeen nga lang daw ng padedeen hanggang sa lumabas at maging positive thinker na lalakas dede mo . ako kase uminom pa ako ng nilagang purong malunggay para lumakas ang gatas . sa pamamaga naman ng dede dahil sa gatas hot compress lang mii tapos hilot dahan dahan para labas o di kaya i pump mo wag mong patagalin ang namumuong gatas kailangan i unli latch mo kase kung hindi pwede mamuo at maging matitis ..

Magbasa pa

normal po yan mi na masakit Lalo na Pag first time mom ka, ganyan na ganyan kasi ako 1 week ang Pag titiis ko sa baby ko mag pa dede. akala ko hindi ko kaya kasi nagka sugat2 na nipple ko at ang hapdi Pero thanks to God na survive ko . going 5 month's na kami ni baby mi. tiis2 lang talaga mi at tiyaga para Kay baby. base kasi sa experience ko maiiyak ka nalang talaga sa sakit Pero Glory to God na kayanan ko talagaaaaaa.and now exclusive breastfeeding mom talaga ako .

Magbasa pa

warm compress pra dumaloy palabas lalo ang milk, cold compress pra maease ang pain nipple cream pra sa nsusugat na nipple if ndi kaya magpadede thru nipple, pump your milk, un po padede nyo kay baby thru bottle pagnsanay po c baby sa formula baka ndi na po cya tumanggap na breastmilk, msakit po talaga sa simula, pero you need to work it out if you really want na magpadede,, then tamang latching, trial and error po talaga sa simula...

Magbasa pa

ganitong ganito ako hanggang 3 weeks si LO, mag hotcompress lang bago ipa suck kay baby. kailangan talaga tiisin kahit masakit kase mas masakit kapag hindi napadede jay baby, nai stock or nagkaka mastitis. more water din. kaya mo yan momsh!

Nacheck na po ba if may tongue/lip tie si baby? Baka kaya po masakit sya maglatch dahil may ties po. Join po kayo sa fb group na Breastfeeding Pinays para may support group po kayo for your breastfeeding journey.

Ganyan din ako dati talaga namang sobrang sakit lalo na kapag nilalatch, mag pump ka mi and as much as possible both breast ang ipalatch wag mas madalas sa isang side. Going 11 mos na baby ko and still bf mom 😊

warm compress, relax and plenty of water. need mo muna madrain yun milk para lumambot and mabawasan yun sakit. pump regularly para masanay if di talaga kaya ng b.feeding. check placement if sakto para di masakit.

Magbasa pa

Aplyan mo sis buds and blooms nipple nurse para ma soothe sore and cracked nipple during breastfeeding sis 😘 all natural kaya safe and super effective 💯

Post reply image

medyo kunting tiis lang momsh ganun talaga, kht masakit ipalatch mu c baby. mahirap nyan baka mgka mastitis kah pa mas masakit un.