Sore nipple
Normal po ba na sumakit yung nipple pag nagbe-breast feed? Three days palang po si baby pero halos di ko na kaya yung sakit, parang binabalatan yung nipple ko.
Yes mommy ako din po.. Magsusugat tlga sya.. Noong una nastress din ako hahaha Imagine sakit na nga ng CS ko then yung catiter masakit mali pagkatanggal tapos masakit pa nipple.. Naha-highblood pa nga ako sa asawa ko kapag nakatingin tuwing ilalatch ni baby yung dede ko.. Mapapapikit ka tlga sa sakit.. Parang gusto ko na nga itigil, bumili na nga ko breastpump para sana ilagay ko ung milk ko sa bottle at makapahinga yung nipple ko sa hapdi ng sugat.. Minsan nga parang ayoko na padedein baby ko dhl mskit. Pero sabi ng nurse mawawala din daw yun after a week.. Basta tuloy ko lng daw yung proper na pagpapadede.. Mawawala din daw yun.. Kapag pinahinga ko pa daw kasi lalo lng tatagal.. Sinunod ko.. Ayun after a week okay naman pala.. As in 1 week bumalik na sa yung pagdede.. Depende yun sa katawan natin.. Basta sundin mo lng instruction sayo para mabilis magheal
Magbasa paNeed mo mag paturo sa nurse sa proper attachment NG baby and paano mo siya tatanggalin sa nipple mo once satisfied or gusto mo siya ilipat sa kabila. . Para Hindi masyadong maskit pag papa Dede .
Yes daw po according sa mga nababasa ko. Minsan pwedeng mali pagkakalatch ni baby. Meron din akong nabasa na pwede mo lagyan ng lanolin cream before and after maglatch si baby. Safe siya for baby.
Normal yan sis. Bsta ipa dede mo lng ng ipadede kusa yan mawawala laway din ng anak mo mkakatangal dyan promise wag mo lng ihinto ksi lalong tatagal gumaling yan
Mali pagpapa latch mo kay lo mo kaya masakit nipple mo. Ako 5 days na since manganak ako via cs nagpapa bf din ako di naman basta tama pagpapa latch mo
Thats normal po. Naalala ko napapakapit pa ko sa bakal ng kama sa ospital kapag pinapadede ko baby ko. After few days mawawla din po sakit. Fight lang
Normal lang po yan, ipasubo mu yung ariola mo wag yung nipples para di masakit,. Proper feeding, pede ka nuod tutorial sa youtube po
Opo mommy, dapat isubo mu ng buo yung ariola o yung bilog wag yung mismong nipple.. Meron sa youtube proper latching momshyy
Yes momsh. Masakit tlga sya sa una. Tiis tiis lng po. Hehe. After 1month. Parang wla na lng pag nagpapdede ka.
Pero d pa po ako nanganganak mga momshie... More than 2months pa lang po c baby sa tyan q... Hehehe