Di sanay magisa or nalulungkot pag wala ang asawa
3mos pregnant po ako. Normal po ba mga mommies na feeling alone and sad ka pag umaalis ang asawa nyo pero may kasama ka naman sa bahay. Ano ginagawa nyo para maiwasan magisip isip?
buti kpa momshie ganun.. ako kasi lagi ko kasama si hubby sa bahay tapos work at home pa siya pero bwisit na bwisit ako sa muka niya 😂 halos ayaw ko siya tingnan kahit matulog nakatalikod ako sakanya o kaya naman pag nakayakap hindi ko siya tinitingnan 😂😂 basta ayaw ko lang siya makita aburido ako sa pagmumuka ng asawa ko pero gusto ko lagi siyang kasama at naririnig lang boses niya tapos pag nawawala siya hinahanap ko naman siya lagi tapos dun ko nararamdaman yung lungkot.. abnormal nga daw ako sabi ng hubby ko 😅 kaya sabi ko hindi na ko magtataka kung mas magiging kamuka siya ng baby namin.. 3months na din ako now
Magbasa paako nasa ibang bansa asawa ko ilang days ko lang sya nakasama nung Naman namin na buntis ako 2weeks palang. nung una hirap na hirap ako umiiyak ako pero Ang ginagawa nalang namin call kami palagi kahit tulog sya Umaga dito un, pag gabi dito work nya dun. dati d ako nakakatulog pero nung nag 3months ako at kampante na ako ng konti medyo nahahanap ko na ung tulog ko. pag gising ko naman tatawag na sya agad
Magbasa paAko mommy literal na hindi ko talaga kasama partner ko , lalo na pag gabi , wala din ako kasama sa bahay mag isa lang ako , nililibang kona lang sarili ko hanggang sa makatulog , pag gising ko anjan na ulit sya .. Nakakalungkot talaga pero part yun ng paglilihi , hindi natin maiiwasan na bigla nalang malungkot at maluha .
Magbasa paYes, nakakalungkot talaga pag wala ang asawa at mag isa lang lagi sa bahay.. simula nung nabuntis ako mag isa na ko sa bahay maghapon.. pero may time din na magkasama kami lalo na pag checkup ko.. after checkup, alis na ulit sya para magwork. Gabi na uwi nya, madalas 10pm. Pero no choice kasi need ng pera para may panggastos sa lahat lalo na sa nalalapit kong panganganak.
Magbasa paako pang gabi work ng asawa ko ang nangyayari parang nagwowork na dn ako kasi d ako nakakatulog pag wala sya .. makakatulog na lang ako niyan every 6am na nandto na asawa ko sa bahay kasi hinahanap hanap ko balat niya😅 d ako makatulog d ko hawak balat nya sa braso. so gising sa gabi tulog ako sa umaga😅 d rin ako makakain pag wala sya maarti c baby maki papa masyado
Magbasa panaiiwan din ako mag isa sa bahay namin pag napasok sa work ang asawa ko kaya napagdesisyunan namin na dito muna ako sa parents ko hanggang manganak ako. pag nauwi naman sya dito, papasok lang sya sa work iniiyakan ko minsan. kakaiba, hindi ko maintindihan sarili ko
malungkot po , nafefeel ko na mag isa lang ako kahit kasama ko byenan ko , pulis kasi asawa ko mga mommy nakadestino sa malayo , mahirap Lalo kapag nararamdaman mo Yung mga simpleng pananakit ng katawan, tapos wala kasama sa check up hayy malungkot
Yes normal lang yan kasi usually sa buntis is emotional po. Sa buong pregnancy journey ko wala si Hubs... tas ako lang mag isa sa bahay. Nung 1st trimester ko talaga may time na wala akong ganang kumain at naiiyak minsan.
me too, kasi every weekend lang cya nauwi because of her work, sobrang hirap wla s tabi ang asawako..my time n naiyak din aq sa gabi, kasi wla kong ksma sa bhay but nililibang ko nlang srili ko like watching movies ang listening music..
Halos every day diko kasama hubby ko,pero di ako feeling lonely. Kasi kinakausap ko baby ko sa tummy ko. Nanonood ako ng mga nakakatawa para di maboring. At kapag may time naman si hubby tumatawag siya kaya diko mafeel na mag isa ako.
First time mom