Di sanay magisa or nalulungkot pag wala ang asawa
3mos pregnant po ako. Normal po ba mga mommies na feeling alone and sad ka pag umaalis ang asawa nyo pero may kasama ka naman sa bahay. Ano ginagawa nyo para maiwasan magisip isip?
Opo malungkot po kasi po kami lang ni hubby ang magkasama sa bahay, bedrest po ako naiiwan niya ako sa umaga kasi may work sya pero lahat ng needs ko okay na pati ang pagkain. Kaya pag gabi naman ang uwi niya nabalik na ang sigla ko
ako po baliktad mas gusto ko ng walang kasama sa bahay gusto ko ako lang mag isa and mas tahimik yung isip ko pag ako lang, wish ko nga lang na sana makabukod na kami para may peace of mind nadin ako and makagalaw ng maayos hehehe
ako lagi ko syang namimiss kahit iisang bahay lang naman kami. pareho kc kaming working kaya wala ako sa maghapon sya naman 2pm na madaling araw uwe galing work. kaya di tlaga ako natutulog at nakakatulog kapag di pa sya nakakauwe
ako, sobrang gusto ko lage kasama asawa ko. Kaya sa araw, pag mag isa lang ako sa bahay, halos wala akong gana din kumain kasi wala din akong kasama. Normal naman daw s preggy yun pagiging emotional.
Normal naman po yan na malungkot lalo na kapag nasa stage ka pa ng paglilihi. Ako bigla nalang naiiyak minsan kapag wala kausap tas kung ano ano naiisip ko lalo na kapag naiisip ko ganu kalaki gastos ko sa CS ko.
Ako almost 1 month na wla asawa ko sa bahay, kasi na assign siya sa malayu .Ako lng mag isa palage sa bahay,pero ok lng naman!!! umaga nasa work ako ,pag gabi matulog nlng ako, wla ako kasama mag pray lng.
feeling alone talaga army pa ung asawa ko Hindi ko sya kasama sa mga araw na masaya at malungkot at mga importanteng araw pero mabuti nalang at sanay ako mag isa since dalaga ako wala akong friends
yes Minsan nalulungkot. dahil c hubby sa work and Yung anak ko sa school na.8yrs old na Kasi Sya na sundan 🤗 kaya natin to mga mommies ☺️
May araw na naiiyak ako mag isa lalo pag wala ang asawa ko sa tabi ko. Pero may araw ding gusto kong mapag isa dahil ayaw ko ng maingay
Normal kng minsan na naiiwan mag isa sa bahay, naiintindihan ko nman na kailangan mag work c hubby pra sa kinabukasan ni baby