Welcome baby

39weeks sakto PAIN:2:30am BABY OUT: 3:30am 2:30am sumakit ng kunti ang tiyan ko ung tipong nakakatulog pa nga ako,then after 5mnts ulit biglang kakaiba na ang sakit at napagapang nako mula sa higaan hanggang sa bumaba nako at naglakad lakad ng kunti,after 5mnts ulit iba na ang sakit nya parang di na ako makagalaw hanggang tinanong ako ng asawa ko kung lalabas na at kung aalis na kami papuntang lying in,ang naisagot ko nalang oo aalis na tayo kasi lalabas na anak mo pero naligo muna ako,after ko maligo tumawag kami sa lying na manganganak nako at pinapunta na agad kami sa lying,tapos ung tipong nasa loob ka ng sasakyan na ramdam mong lalabas na sya talaga tapos asawa mong pilit na kumakalma at nag mamadali baka abutan ako sa kotse manganak😆pagdating sa harap ng lying bumaba nako kasi di kuna kaya hanggang sa sumakit na talaga sya ng sobrang sobrang at sa labas ng lying nagawa kunang mag hubad ng panty at humiga sumisigaw na hon hubaran muna ako ng panty lalabas na anak mo😄😄tapos ung asawa mo natataranta sya di na alam ang gagawin😆kasi humiga na talaga ako labas ng lying at nakabuka na mga hita ko kasi ilalabas kuna talaga hanggang sa pati mga nurse nag mamadali na at nagkanda dapa dapa pa sa kamamadali para maipasok ako sa loob lying at sinasabing pigilan ko daw ilabas si baby kasi nasa labas ako😄ne hindi kuna kayang gumalaw pa kahit isang hakbang,buti nalang malakas asawa ko😆at pag pasok na pag pasok ko sa lying in higa agad ako at biglang sumakit nanaman at di kuna talaga kinayang pigilan pa ayon lumabas na si baby spring kahit wala si doc,buti nalang hindi umalis ung nurse sa tabi ko pagkahiga ko dahil kung umalis sya baka nalaglag na anak ko pag labas nya.Sa wakas nakaraos na din kami ni baby na mabalbon😘😘 time baby out 3:30am Welcome baby spring sana makaraos na din po kayo😘

Welcome baby
31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Woww congrats po. Sana ganyan din ako. 40 weeks na ako bukas pero until now pasulpot sulpot lang sakit. Di pa ako nakakaramdam ng matinding sakit no discharge din puro White lang

congrats mommy...sana ganyan din ako sayu na mabilis lang lumabas c baby...39weeks at 1 day na ako...halos araw2 ako natutulog...

Kasi sa paglalaba naman matic naman washing namin,babalikan mo isasampay nalang ung mga damit kaya di naman ako tagtag sis

Congrats momsh! So glad n hindi kn ngstruggle mglabor. Tagtag po ba kyo the whole pregnancy journey nyo?

2y ago

Hindi naman po ako tagtag lagi nga po akong nakahiga,luto lang ginagawa ko sa bahay at walis walis

congrats momsh. nkaka inggit naman. sana Ganyan din ako.. hays.. 37weeks edd oct18 🙏🙏🙏

2y ago

salamat po

hahaha natatawa ako. congrats mommy.. sana ako din. 39 weeks na ako bukas.. wohooo

2y ago

Sana makaraos kana din mommy at sana di ka din mahirap kasi sobrang sakit talaga pag malapit na lumabas si baby hehhehe

wow! congrats po 😍 ano pong sikreto sa mabilis na paglabas ni baby? 😊

2y ago

wala naman po mommy,ganyan po lahat ng anak ko sis saglitan lang ang sakit

VIP Member

wow ang galing naman po mamsh ang bilis lang 😍😍❤. congrats po.

congrats po mommy sana ako din makaraos .. umpisa na sumakit likod ko

2y ago

Keep safe mommy sana makaraos kana din po

Congrats po. Ang galing ang bilis ni baby mag out sana all po😍

2y ago

Hala sana ganyan din po ako. Lagi po ba kayong naglalakad lakad?