Welcome to the world my bebe love! πŸ‘Άβ€οΈ

ROGUE TREVOR T. RAMOS πŸ’™ Lmp : Jan 22,2020 Edd : Nov 3,2020 Dob : Oct 26,2020 39 weeks and 3 days I don't know where to start kase up until now feeling ko kakapanganak ko pa lang 😊.. so last Sunday nag decide ako maglakad kase sabi ng kapatid ko ang tagal ko daw manganak at naiinip na daw sila HAHA πŸ˜‚ so naglakad ako and after non wala naman ako ibang nararamdaman.. then kinagabihan hindi ako kumain kase sabi ko sa sarili ko beke nemen lumabas ung baby ko kinabukasan kase if di pa sya lalabas ang usapan namin ng kapatid ko need ko lakarin mula dito sa Pateros papunta sa Pasig Lol πŸ˜‚.. then nagising ako ng 3am na parang ang sakit ng puson ko, di ko pa ganong pinansin non at natulog pako pero nagtataka ako mga 5am bat sobrang sakit ata masyado kase di nako makatulog sa sakit tas bumangon nako habang nag iisip pa din ako bakit iba ata yung pain na nararamdaman ko.. kase sa 1st baby ko nung naglabor ako every 2 hours ung pain na tolerable naman then naging every 1 hour na hanggang sa tig 5 mins na ung pain na as in sobrang sakit na ganon ako nag labor sa isang baby ko for 12 hours pero nung umagang yun iba ung pain nya.. level 10 agad then 30 mins lang pagitan tapos bumangon ako para magtimpla ng gatas kase naisip ko baka nilamig lang tyan ko.. pagpatak ng 6am naging 10 mins interval na syaa so naligo nako at ginising ko na ung hubby ko para sabihin na naglalabor nako, na excite sya bigla tapos nag ayos sya ng gamit at pinaligo na nya ako. So nung nasa banyo nako lalo sumasakit as in mapapamura kana talaga kaya antagal ko sa banyo, mga mag se-7am na ata ako natapos kase di ko matuloy tuloy pagligo ko at napapaiyak talaga ako sa sakit. Nung nagbibihis nako tinatanong pako ng hubby ko kung kakain daw ba muna ako pero di nako makapagsalita hanggang sa napaluhod nako sa harap ng cabinet then may lumabas nang blood sakin so nung nakita ko ung dugo sabi ko need na namin magmadali kase sa 1st baby ko once na lumabas ung dugo sakin napaanak nako bigla kaya nagmadali na kami.. So nung nasa sasakyan na kami napapaliyad nako sa sakit at di nako makaupo ng maayos, ung pain nya is parang hinahalukay na ung puson at pwet ko at umuungol nako talaga, sabi ng hubby ko kapit lang daw ako kase malapit na kami sa lying in pero ramdam ko na ung pempem ko na parang napupunit at pakiramdam ko kinakatay nako ng buhay πŸ˜‚ naisip ko ung baby ko na baka mapano sya kase ramdam ko nagpipilit na sya lumabas sakin, then di nga ako nagkamali kase naramdaman kona ulo nya sa pempem ko. Nung moment na yan naisip ko na ayokong pigilan na lumabas si Baby kase pwede syang mapahamak o di makahinga if ma stuck sya sa pwerta ko so nag inhale exhale ako tapos nung kumirot sya ulit sinabayan ko na sya ng ire at literal na naramdaman kong may nawakwak sa kaloob looban ko pero wala nako pakelam kahit nasa mismong sasakyan kami o baka mawakwak ung pempem ko basta ang nasa isip ko lang non ilalabas ko yung baby ko.. na kakayanin kong paanakin yung sarili ko..sa totoo lang takot na takot ako pero kapag nasa ganong sitwasyon kana wala kang choice kundi maging matapang para sa baby mo. Nailabas ko sya at ung hubby ko sumalo sa kanya, pagdating sa lying in pinutulan nalang sya ng pusod then pinalabas nila ung placenta kase nasa tyan kopa ung placenta that time then na admit ako 1 day. Wala akong tahi and never in my whole life na ma imagine na ganon ako manganganak.. but i am happy and proud of myself, kaya ko pala manganak nang super natural vaginal birth! πŸ˜‚β€οΈ Sa mga Mommy's na manganganak palang, magtiwala ka sa sarili mo and always mag pray ka.. everything is possible basta may faith ka kay Lord at may tiwala ka din sa sarili mo na kaya mo.. ❀️

Welcome to the world my bebe love! πŸ‘Άβ€οΈ
92 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

congrats po.. gsto ko po Sana ganun hahaha parang ayaw Kong matahi... yon daw po KC Yong masakit... mother ko wlang tahi. di pa KC uso dati

Congrats po,.. Ang cute nman ni baby,. Ilan kilo po sya mommy? Lapit narin po ksi due date ko ftm po ako, kaya kaexcite na nkkakaba rin..

VIP Member

Wow.. ang galing.. same sa first baby ko ang bilis ko lang din manganak.. sana ganin din ngayon.

Ang galing!! Congrats po Mamsh. Ang kyuti ni baby. Buti safe kayong dalawa❀️ God bless poπŸ™

Same tayo ng due date ako 39 weeks and 5 days na di prin nalabs si baby nag aalala na nga ako :(

4y ago

Ganyan din ako nung una kase tamad ako mag exercise pero tinry ko lang maglakad talaga yung as in pagod na pagod ako.. tas un kinabukasan napaanak ako.. Kaya mo yan, tiwala lang.. ❀️

such an inspirational message momsh salamat at keep safe kayo ni baby πŸ₯° Godbless πŸ˜‡

Congrats Mommy! 😊 Sana all ganun lang kabilis manganak. πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

Ang galing at ang cute cute ni baby. Sana ako rin mablis lang manganak. Ftm po hehe

congrats momsh..cute cute nman ni baby..lagi po ba kayo naglalakad?ilang kilo po si baby?

4y ago

Sa totoo lang ang tamad ko nung buntis pako.. hindi ako naglalakad at lagi lang akong nakahiga, nung nag 37weeks ako saka lang ako nag try maglakad twice a week, tapos nung 38 weeks mga 3 times a week na then nung nag 39 weeks saka lang ako nag try mag squatting at walking.. basta ang tanda ko pinagod ko ng.bongga ung sarili ko nung Oct 25 tas kinabukasan ayun napaanak nako.. 3.1 kilos si Bebe love ko nung lumabas 😊

Congratulations mommyπŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌπŸŽŠπŸŽŠπŸŽ‰ hehe ang cute po ng baby niyo ❀️