Welcome baby

39weeks sakto PAIN:2:30am BABY OUT: 3:30am 2:30am sumakit ng kunti ang tiyan ko ung tipong nakakatulog pa nga ako,then after 5mnts ulit biglang kakaiba na ang sakit at napagapang nako mula sa higaan hanggang sa bumaba nako at naglakad lakad ng kunti,after 5mnts ulit iba na ang sakit nya parang di na ako makagalaw hanggang tinanong ako ng asawa ko kung lalabas na at kung aalis na kami papuntang lying in,ang naisagot ko nalang oo aalis na tayo kasi lalabas na anak mo pero naligo muna ako,after ko maligo tumawag kami sa lying na manganganak nako at pinapunta na agad kami sa lying,tapos ung tipong nasa loob ka ng sasakyan na ramdam mong lalabas na sya talaga tapos asawa mong pilit na kumakalma at nag mamadali baka abutan ako sa kotse manganak😆pagdating sa harap ng lying bumaba nako kasi di kuna kaya hanggang sa sumakit na talaga sya ng sobrang sobrang at sa labas ng lying nagawa kunang mag hubad ng panty at humiga sumisigaw na hon hubaran muna ako ng panty lalabas na anak mo😄😄tapos ung asawa mo natataranta sya di na alam ang gagawin😆kasi humiga na talaga ako labas ng lying at nakabuka na mga hita ko kasi ilalabas kuna talaga hanggang sa pati mga nurse nag mamadali na at nagkanda dapa dapa pa sa kamamadali para maipasok ako sa loob lying at sinasabing pigilan ko daw ilabas si baby kasi nasa labas ako😄ne hindi kuna kayang gumalaw pa kahit isang hakbang,buti nalang malakas asawa ko😆at pag pasok na pag pasok ko sa lying in higa agad ako at biglang sumakit nanaman at di kuna talaga kinayang pigilan pa ayon lumabas na si baby spring kahit wala si doc,buti nalang hindi umalis ung nurse sa tabi ko pagkahiga ko dahil kung umalis sya baka nalaglag na anak ko pag labas nya.Sa wakas nakaraos na din kami ni baby na mabalbon😘😘 time baby out 3:30am Welcome baby spring sana makaraos na din po kayo😘

Welcome baby
31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sana tulad din ako sayu na madali lang lumabas c baby...

congrats mommy sana ganyan din ako kapag nanganak mabilis lang

Ano po ginawa nyo mommy para po mabilis lang manganak?

4y ago

Oo nga sis sana lahat madali lang manganak

Wow congrats mamy.. Parang madami din po sya rashes po..

4y ago

Kalalabas nya lang po kaninang 2am hehe

VIP Member

congrats po mommy, welcome baby chubby cheecks and cutie

Congrats !Po mommy Sana makaraos nadin kami Ni baby😥

4y ago

Sana makaraos na din kayo at hangad ko na hindi kayo mahirapan mga mommy

congrats momsh ang bilis mo manganak, sana ol

wow ang bilis mo naman manganak mommy 😊. congrats

Ang galing mo momsh, congrats

sana all ganon lang kadali.