TVS @ 6weeks: wala pang nakitang heartbeat pero may Gestational at Yolk SAC na pong nakita.

1st baby namin, we’re married for almost 6years ni husband, kaya nung una talagang worried ako. Pero sabi ng OB ko may mga cases daw talaga na wala pang HB during 6weeks kaya have faith at happy thoughts lang daw dapat ako. Kayo po mga mamsh ilang weeks nung nagkaroon ng HB si baby nyo? Thanks po sa mga sasagot 😊

33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

On my first baby last year. 6 weeks na ako based on lmp but sa tvs 4w5d palang kaya pinaulit ng after 2 weeks but sadly nung bumalik kami, 7w4d wala syang heartbeat and nagkamiscarriage ako dahil dapat at 7weeks meron na daw hb. 🤍👼 But now I have my rainbow baby. 🌈Sakto sa lmp ang laki ni baby sa tvs. 5w6d ang una kong tvs and may hb na. 115 bpm. Good cardiac para sa laki nya. Grabe yung tears of joy ko nyan. Kasi yung inaasam kong hb nagparinig agad. Then bumalik kami for follow up check up at habilin sakin na bawal mastress at mag isip ng negative thoughts. 7w3d mas lumakas yung hb nya. Naging 144 bpm na. Ito talaga yung week na recommended for fetal viability. Then nagkaspotting ako kaya after 2 days na emergency check up pero okay naman si baby ko. 158bpm na ang hb nya and mas lalakas pa daw up to 180bpm habang lumalaki sya pero bababa din later on. Yes some cases wala pa kapag 6weeks kaya true na no to stress and happy thoughts lang. ❤️🙏 Wag ka masyadong magworry. Pray ka lang. Ipagkakaloob ni Lord ang hinihiling mong heartbeat ni Baby. Dont forget to eat healthy and inom ng folic kasi malaking tulong yon sa development ng baby mo po. ☺️

Magbasa pa