23 weeks...

1 week nalang 24 weeks na ko and feeling ko hirap na hirap na ko sa tyan ko lalo na pag busog. Parang di na ko makahinga. Di makaupo ng maayos. Pag naglalakad feeling ko sobrang sikip ng tyan ko at ang bigat. Parang malaglag na ewan. Iniisip ko nalang 5 months pa nga lang hirap na ko pano nalang pag tungtong ko ng 3rd tri? 😭 hindi ba nahihirapan si baby sa loob pag busog? Feeling ko di sya makagalaw. Feeling ko kasi parang sasabog tyan ko. 😭

23 weeks...
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po ako super hirap huminga pag busog try mo mi wag maxado magpakabusog small frequent feeding para di ka mahirapan though ang hirap naman kasi talaga magpigil ng kain😅.

2y ago

Basta dahan2x lang mi kasi pwede tayong magkaron ng GDM or mag ka high blood. Ako ginagawa ko kakain ako ng madami today then pag feeling ko napasobra kinabukasan less eating muna or small frequent. Ang sarap naman kasi kumain kahapon lang nagburger ako tapos spag then may rice pa🤣🤣🤣. Kaya today small frequent muna kame ni baby hehe