1 month na kaming sexless ni hubby. Hindi na rin kami nagkukwentuhan, tawanan, yakapan, kiss. Wala nang ganon. Sa kwarto, derecho na ko sa kama katabi si 5 month old baby girl namin, sya sa sahig. Madalas akong hoping na aayain nya ako magsex o kaya naman gigisingin nya ako para dun. Kaso, wala na. Sya lang nagwowork samin. Full time mom ako. Naiiyak ako. Namimiss ko yung noong kami. Sexual si hubby, actually 2 weeks post partum ko nga nun nagsex na kami e. I told him na parang di na nya ako mahal. Sabi naman nya mahal nya ako ano man mangyari. Pero, I can't feel it anymore.

77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mamshy, first po ang unang dapat mong gawin is to pray. Pray for your marriage life or if di kayo kasal pa pray for you and for your partner sabihin mo lahat kay Lord and if possible magpakasal na kayo para ma bless kayo ng puspos ng Lord. 2nd dapat po open kayo ni hubby sa isa’t isa, if first time mom ka po sign po yan ng postpartum depression. Mapapatanong ka na lang sa sarili mo na mahal pa kaya ako nitong asawa ko? Dahil madaming nag bago sayo physically, emotionally and mentally. Pero lahat ng tanong mo sa hubby mo ang makakasagot ay sya lang din, pano mo po malalaman ang sagot if di kayo nag uusap? Kaya ang dapat po maging open kayo sa isa’t isa. Have a heart to heart conversation. 3 mos postpartum na po ako and since nanganak ako talagang push ako nakipag usap sa hubby ko about sa sex life namin. 1 month kaming di nag sex pag kapanganak ko, dahil takot din ako kasi may episiotomy. Normal lang din po na wala kang gana makipag sex dahil mababa po ang libido natin after manganak at dry po ang vaginal wall dahil sa hormones. Samin mag asawa wala talaga kong gana pero hinihelp ko sya, oral sex. Mas naging malambing pa nga sya sakin dahil dun and nag set ako na once a week dapat may date night kami without cellphone para focus lang sa pag uusap tungkol samin, sa relationship namin sa spiritual growth basta iikot lang samin yung convo or kaya sa mga concern ko sa kanya o sa mga bata. Mas nakikilala namin ang isa’t isa. Nawawala yung pride at mas lumalalim ang pag mamahalan. Kahit po bago matulog lang mag usap kayo ng tungkol sainyo. Ang mahalaga po napag uusapan nyo ng maayos.

Magbasa pa
VIP Member

Im 38w2d 4 months na kami walang sex ni hubby ☺ but still sweet parin 😁 Malambing kasi akong asawa kahit wala akong kailangan sa kanya , ganun din namn sya and ramdam ko na mahal nya ako kahit di nya sinasabi , gusto ko lagi kong syang kinikiss , niyayakap , ayoko kasi pangunahan ng hiya ☺ every time na uuwe sya galing work , bago matulog at paggising lagi akong nakikipagkulitan sa kanya 😁 ayokong magsawa sya sa akin , nagaaway kami di kami nagkikibuan , kung sinu lng unang mamansin ok na ☺ hehehe alam mo sis mahalaga sa magasawa ang communication 😌 alam ko medyo makakaramdamn ka ng konting hiya bakit di mo sya i hug or i kiss tuwing uuwe sya galing work at kapag papasok sya 💪 gawin mo un araw araw ☺ mga gusto mong gawin sya kanya bilang asawa gawin mo , kung sa una hindi nya masuklian ipagpatuloy mo ☺ baka nahihiya lang pero kapag nagtagal babalik at babalik yan ☺ tiwala lng sis and pray 🙏 mahalaga na makipagusap o makipagkulitan ka kahit nasa bahay lang ☺

Magbasa pa

7mos na si baby ko.. mag 8 na this 4th ng april.. eversince nanganak ako once pa lang kami nagsex and that was this march lang.. hehe no big deal naman both sa min.. dati nung mga 2-3mos pa lang si baby binibiro nya ako e that time iritable talaga ako lagi ako galit sa kanya. nun nakaraan out of the blue lang napag usapan ulit nakakaguilty din naman sya na d pag bigyan. we are both cautious na din kc ayaw pa namin sundan din si baby due to health issues sa kin.. kaya takot din sya.. kaya nga we opt not to do it na lang din baka malusutan ulet. haha. bawal kc sa kin birth controls except for one kaya lang d oa ako pde lagyan. pero he tried to ask me naman pde nama daw sya gamit.. kaya lang we are just too parsnoid and decide not to na lang. hahahah

Magbasa pa

Have a heart to heart talk with him. Maybe asking kung mahal ka pa nya is not enough cos he can simply say yes or no. If possible, set a schedule for that special conversation. It can be sa coffee table nyo while everyone's asleep na at night inc. the baby or if no choice, sama mo na rin sya. Kayo lang naman magkakaintindihan pa anyway :) Start mo sa lambing lambing muna sa umaga, hug ganyan sabay I love you. Anything sweet for sure naaappreciate naman ng lalaki eh. Dont be hesitant to try. Mas kilala mo si hubby mo and u know what will please him. Usap lang yan and dapat wag mo nang patagalin. Go sis! Most of us dumadaan sa stage na yan and can always get over it soon :)

Magbasa pa

baka sobrang pagod and stress lang sya sa work esp. now na may baby na kayo he really needs to work hard and earn more for your baby's future...mag usap kayo..heart to heart talk before going to bed..ask him kung may problema ba sya try mo kung mag open sya sayo... kailangan nag uusap pa din kayo before going to bed...communication is very important in every relationship plus of course a healthy sex life... napag uusapan naman lahat ng bagay... and dapat kahit mommies na tayo dapat inaalagaan pa din natin mga sarili natin... importante pa din na maayos tayo sa sarili natin...usap lang kayo...kasi kami ng husband ko open kami sa isa't isa... Usap kayo before going to bed...good luck..

Magbasa pa

Baka iniicp k lng nya sis. Kc maghapon ka sa baby nyo sya nman sa work baka pagod lang. Kme kc ng husband ko pinag uusapan nmin kung san c baby mattulog pag nanganak na ko kung sa kuna ba or katabi nmin kc pang dlawahan lng ung kama nmin sv nman nya sa kuna nlng dw kesa di nya ko katabi minsan nman pag gling syng work pag uwi kakain tas tulog na. Tatabi nalng ako sa knya tpos yayakap nlng sya minsan hndi ako nlng nayakap minsan ako nlng din ng ggicng haha im 7mnths preggy na pero ang active prin kame sa sex 😂 minsan mag aya ka din bka pagod lang din, wag m din kalimutan na kmustahin sya pag gling work or salubungin mo ng kiss gnun sis hehe

Magbasa pa

Ikaw na maglambing kay hubby mamsh.. kami ng mister ko almost 7 months na sexless. 4 months pregnant pa lang ako nung nagstop kami. Ngayon mahigit 1 month pa lang baby ko, wala pa din. Di ko pa din naman kasi feel makipag sex parang natatakot pa ko kasi may tahi ako sa pempem ko, although magaling naman na. Minsan nagpaparinig si hubby na baka pwede na daw, pero alam ko naman na makakapag hintay sya. Ganun pa man, malambing pa din sya. Pala yakap at pala halik pa din tulad ng dati. If it bothers you na walang nangyayari sa inyo, kausapin mo si hubby para mawala mga agam agam mo.

Magbasa pa

Minsan kasi akala ng mga babae ayaw na namin or hindi na namin sila mahal, pero ang totoo po talaga iniisip namin na baka pagod maghapon kakaalaga kay baby, or di pa kayo ready dahil kakapanganak pa lang CS man o Normal, kasi kahit andun kayo sa moment na nagmamake love naiisip parin namin na baka nasasaktan to or baka sariwa pa yun sugat na nakakapatay ng libido namin, based on my experience po ito ha. try to talk to your partner or silent method nyo nalang kahit nakakainis para samin.

Magbasa pa

hahah samin ni mahal, mmm nong 1st trimester hindi kami nag do do.. kasi pinag bawalan.. kasi di pa masyado kapit si bby.. pero nung 3 1/2 months na, paalis na kasi sya non kya parang every night na.. haha ... simplehan lng.. yakap2 tas kiss nya ko sa may batok.. tas ayun na.. slow mo lng kmi pero masaya.. my time na ako na talaga may gusto pero pigil na pigil sya lalo bawal.. hug lng sya ng hug sakin.. sa pag uwi ny by nov.. 3 months na bby namin non. 3 months preggy ako ng umalis nya.. bblik sya naka labas na c bby..

Magbasa pa

Ganyan kami ngayon ni hubs ko mamy hindi na gaano mag sex ako na nga mag first move eh. Ang nakakainis pa hindi nya gets tsk! Unti unti ko na rin na adopt at naka adjust baka lang sguro mamy pagod sya sa work at natatakot baka ma preggy ka ulit. Iba na talaga pag may baby na mamy prio na c baby. Minsan narin kami mag usap eh ako pa ang mag open topic. Hindi ka lang nag iisa jan mamsh madami na tayo maka adjust ka rin and try to talk him about that lalo nat nag PPD ka.

Magbasa pa