Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Tetel x Alanisse
My 17months old baby is scared of everyone should I worry? I am a stay-at-home-mom at ako lang ang palageng kasama ng anak ko ako lang ang nagiintindi sa kanya. As in kahit walang pasok ang asawa ko. Pababantayan ko lang sya ng konti kung maglalaba ako o maliligo o may gagawen saglit pero after kame na ule magkasama. May mga kasama naman kame bahay, ang parents ko. Sa isang compound din kme naka tira so pag labas ng bahay lahat kamaganak naman. Kaso minsan lang din kme lumabas ang init kase pati wala naman kame gagawen salabas. Pero napansin ko kapag nasa labas kame at may babati sa kanya kahit familiar na muka sa knya tatakbo padin sya sakin kase natatakot sya at magpapabuhat. Kita mo talaga na takot sya. Kase matatakutin talaga xa. Pag minsan pag nagmamasid kme salabas at may tinuro ako sakanya. Bigla nalang syang yayakap sakin. Kase nagugulat siguro. Ano kayang gagawen ko? Dapat ko ba tong problemahin?
Ano kayang maganda 30th birthday gift kay hubby kung techy sya at more on gaming sa cellphone ang gusto, yung pasok sa budget. Hehehe
Nakaka antok ba ang propan drops takae sa tulog ng baby ko. Alin bang vitamins na nakakaantok sa baby?
Wheat milk na masarap? Any suggestions
Any whole milk namasarap na pwede nyo issuggest for toddlers
Pinaglalaro nyo ba ang1year old baby girl nyo ng manika. Bakit sabi ng mga matatanda wag pag laruin ng manika?
Pede nabang kumain ng ginataang tilapia ang 15month old baby
Okay ba ang raisins ipakain sa 15months old. Ano kayang brand? ?
Naka try na ba kayo gumamit ng olive pomace oil? Bumile kase ako para pang luto ng food ng 15months old baby ko sa halip na regular cooking oil gamitin. Okay kaya ito?
Any suggestions na brand ng whole milk that I can offer to my 15months old baby? Ang alam ko pede na pag naka 1year old uminom ang baby ng whole milk. Exclusively breastfed si baby at ayaw nya ng formula. Ngayon mejo kahit ppano nainom xa pakonti konti ng choco flavored ng lactum formula milk tru sippy cup, di xa natuto dumede sa bote. Nararamdaman ko na nahina na ang milk supply ko. Kaya binabawe ko sa pagkain at iba pag pedeng source. Mahirap din pag minsan magtanong sa pedia kase ang iooffer nila yung sponsped sila hehehe. So im considering suggestions here din muna. Thanks sa sasagot :)