Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mum of a chubby cheek Prince
Breastmilk
Hi mga Sis! Naka formula si Baby kasi sabi ng Pedia nya na may jaundice daw. It's either my Baby or yung breastmilk ko kaya nirecommend nya na mag formula muna. Noon pa lang, di talaga ako malakas gatas ko. Pero nag ppump pa rin ako nun tas habang tumatagal, patak patak na lang yung lumalabas na gatas sakin. So, last month tinry ko na mag NATALAC and then nag pump ako. May lumabas na malapot na medyo madilaw dilaw. Tinanong ko Mother ko kung nana ba yun or gatas. Di nya rin alam. Ano kaya yun mga Sis? Di rin sya ganun kadami. Halos ayaw nga maalis sa boobs ko dahil sa lapot. And gusto ko na rin iask kung bakit sa tuwing ittry ko na magpalatch, umiiwas at umiiyak si Baby. Please, help me!! Thank you and God Bless.
Baby Boy ?
EDD: Feb 27 DOB: Feb 12 Mana Alphonse M. Eugenio Super Happy! Thank you sa mga tulong nyo, Sis at nailabas kong normal si Baby. Sobrang salamat sa lahat ng sumasagot pag may mga katanungan ako. Sobrang laking tulong sakin ng app na to. Goodluck din sa iba pang Feb due date. God Bless you all ?
woooh!
Mga Sis! Help! Sabay na kasi sumasakit yung puson at balakang ko and may time na sumasabay ang contraction. 37 weeks and 4 days. 2cm na. Ano ang taTimer-an ko? Yung sakit ng puson at balakang or may pagsakit din dapat pag nag contract. May time pa na humuhupa yung sakit. And one more thing, wala pang discharge. Thank you and God Bless!
37 weeks and 3 days
Mga Sis! Natural lang ba na nag cocontract tapos malikot si Baby? Madalas na yung contraction ko pero tolerable naman sya and wala pa akong discharge or kahit na ano. Nag dadiarrhea na rin pala ako. Curious lang ako. Sana may makasagot. God Bless. Thank you!
Snacks
Mga Sis! Anong baon nyong Snacks nung nag punta na kayo ng Hospital? Nakapag light meal pa ba kayo nung nag lalabor na? Thank you sa sasagot. God Bless!
Please...
Yung mga nag popost ng discharge and Baby na namatay, maging sensitive naman po sa ibang mga buntis. Pwede po natin I-NSFW. You'll never know na makakaapekto sa ibang nagdadala ng Baby. Pwede mastress at mag worry. I'm not against sa pag share nyo. I'm just concern.
MAT2
Mga Sis! Ask ko lang yung paglakad nyo ng bank account para sa SSS. Nag punta kasi kami ng sss and sinabi ko na mag oopen ako ng bank account. Walang binigay sakin na LOI and sinabi pagkapanganak ko pa daw sila magbibigay ng letter. Nagtataka lang ako kasi requirements sa Mat2 yun dba? Pano ko makukumpleto req. ko kung sa pagkapanganak ko pa lang ako makakapag open ng bank account? Sana masagot ng maayos. Please. God Bless You all ?
Burning Sensation
Hi mga Sis! Nahihirapan kasi ako ngayon dahil yung upper right side ng tummy ko mahapdi. Hindi naman sya masakit pero parang ngalay and may burning sensation pag hinahawakan. Dahil lang ba sa pag stretch kaya nagkakaganun? Tsaka anong magandang moisturizer ang pwedeng ilagay sa tummy? Thank you sa papansin! God Bless you ?
...
Nakakalungkot ako pero hindi ko alam kung bakit, para akong nasstress na di ko maintindihan. Tapos gusto ko laging nasa kong nakikita yung Partner ko. Pero pag nasa tabi ko na, naiinis naman ako sakanya. Ganito ba talaga mga Sis? 31 weeks here.
Walking
Mga Sis! Ok lang ba na araw araw akong naglalakad? Natutulog kasi ako sa bahay ng Parents ko. Ayoko kasi maiwan mag isa sa tinutuluyan namin ng partner ko kaya uuwi ako pag papasok sya and susunduin nya ako pab uwi nya. 30 weeks na me. Parang mabigat kasi sa pakiramdam ko and katawan pag di naglalakad lakad.