Newborn....

Hirap pla talaga me newborn 😭😭 Di kana maka tulog di kapa maka kain ng ayos, sakit pa sa katawan, at ngalay sa pag buhat sa baby lalot breastfeed halos ayaw na ata humiwalat sa dede ko 😭, mas matagal dede nya kesa sa tulog nya, 3weeks old, any advice mga momsh??? Di ko na gusto tong nararamdaman ko eh, nag hahalong irita at inis na na raramdaman ko minsan sa bby ko,. Minsan gusto kong dalin kila mama, pag nandon naman di rin ako mapakali,. Isang bahay lang naman pagitan ng bahay namin kila mama,. Nakay mama sya minsan sa umaga para paarawan, pero di ako mapakali pag andon sya, kaya di rin ako maka tulog habang pinapaarawan sya. Gusto ko i stay dun kahit half day lang, kaso iniisip ko namn papa dedehin ng papa dedehin naman don ng formula, baka pag soli sakin mag suka suka na,. Konting hanap lang kasi ng dede gusto nila pa dedehin na, eh di nmn pedeng ganun ma ooverfeed,. 😭😭😭 Ilang bwam paba ganito? Baka mag ka postpartum na ko pag di pa nag bago tong gantong set up ni bby,. Lagi nalang wala tulog at pagod, pati likod ko nanakit na,. Kaya mabilis na ko mairita,.. First time mom po ako Gusto ko ako mag alaga sa baby ko kaso dintalaga ata kaya😭 ang hirap hirap 24/7 mong karga at dede.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

minsan din pinapaiwi ko sya sa ate ko para makatulog ako pero naririnig ko padin maya maya iyak kahit kakadede lang gusto lagi nakasupalpal utong kaya pag dating sa gabi ebf kame masakit puwet at likod ko minsan bigla nalang ako iiyak sa sobrang hirap yung tipong gusto mona magpahinga minsan nakakatulog ako ginigising ako ng asawa ko habang buhat ko yung anak ko nakaipit na pala muka sa dede ko minsan sa sobrang antok at pagod ko muntik ko na sya mabitawan parang bigla akong nahihilo at nawawalan ng lakas ang hirap mahaba pa yung oras na gisng sya kesa tulog hindi sya maka diretso ng tulog kahi 2hours lang 20mins lang gising na, Pinag mixfeed ko si baby binilhan kodin ng rocker, sana mabago na setup namin, sobrang hirap nako kawawa lalo si baby pag nagkasakit pako dahil sa puyat at pagod, same din tayo na hindi mapakali kahit nasa nanay ko si baby , hindi ako makatulog ng mahaba , tapos umaabot sa point nasisigawan ko si baby dahil iritang irita nako sa pagod at puyat lalo pag iyak ng iyak,

Magbasa pa

naku same tayo ng nraramdaman mommy. kgabi halos sumuko na ako kase sinabayan pa ng sakit ng ulo at sobrang init kya iritado talaga ako. tyaga lang po matatapos din to same nung pregnant tayo parang di matapos tapos ang mga nararamdaman natin na hirap noon pero pag iniisip ko ngayon narealize ko na ang bilis lng pala lumipas ng pregnancy stage naten. kaya ngayon ang iniisip ko na lang eh hindi habang buhay magpapakarga ang baby naten, lilipas din to at balang araw mamimiss din naten. always freshen up para di mairita at drink more water para klaro ang pag iisip naten kase minsan nakakasagad talaga ng pasensya hehe

Magbasa pa
2y ago

hehe kaya nga po

We can do this mommy. FTM din po ako and totoong mahirap, sobrang laking adjustment from those days na wala ka pang baby hanggang ngayon na may newborn nang inaalagaan mi. Minsan pag madaling araw na napupuyat talaga ako, nakakainis na rin talaga pero pag tinitignan ko baby ko, natatawa na lang ako kasi ang cute2x pag umiiyak na. Mahirap din sa side ko kasi kapapanganak ko lang, tinalikuran kami ng tatay ni baby ko. Hehe, but okay lang. Pinagmamasdan ko na lang baby ko pag nalulungkot ako para lumakas ulit loob ko. Fighting lang tayo mi! Btw, 1month old na baby ko bukas. Hehe

Magbasa pa
2y ago

salamat mi, ♥️

VIP Member

welcome to the club mommy. ako bago manganak sa pangalawa ko, at bago mag MatLeave i made sure ako talaga hands on sa 2yo toddler ko kahit the new born is coming. I was really up to the challenge. Hehe. Naiintindihan kita mi, mahirap mag alaga ng bata lalo na pag first time. You'll get the hang of it mamimiss din natin yang moments na helpless pa ang bata at sa atin sila umaasa. One tip ko sayo mi is always look forward for each milestone na madaanan ni baby. All your pagod at lungkot will turn into fulfillment, happiness and excitement. You are doing great mi. LAVARN!

Magbasa pa
2y ago

salamat mi

ganyan talaga pag me newborn, 2 months plg baby ko and na experience ko din yan, ako lg po nag.aalaga ng baby ko, wala po akong katulong kahit parents namin, si hubby hindi marunong pero unti2 kong tinuturuan, mahirap po talaga pero kailangan nating habaan ang ating pasensya, sa 1st month nya hirap na hirap ako, halos wala akong tulog kasi nag bibreastfeed din ako, umiiyak din minsan, hanggang ngayon nangangalay mga kamay ko kakabuhat, pero kinakaya ko, kasi mahal na mahal ko anak ko,. tibayan lg natin ang ating loob always pray,.

Magbasa pa
2y ago

yes po, ganyan din sa akin,. halos 24 hrs kaming magkayakap hahaha..clingy talaga sila,. ninanamnam ko nlg ang moment kahit super duper tired na ako..kasi hindi naman ito forever, after few months malaki na sila,.mamimiss mo din pagiging baby nila.

lahat ng mommies, ganyan ang experience. ganyan din naman ako pero d ako nagrereklamo. 2nd baby ko na ito. i find happiness sa kanila. its not ok na naiinis sa baby dahil nahihirapan. ilang months pa ang adjustment for the baby. you need more patience, more care, more love sa baby. if hindi mo kaya, pwede kang humingi ng tulong sa family mo, especially sa partner mo. i-guide mo sila on how to care for your baby para alam nila. magdasal ka lagi for more guidance, more patience, good emotional and mental health.

Magbasa pa
2y ago

welcome to the club..kaya mo yan momy ☺️ 3weeks old dn saakin ,kahapon umiyak ako kc halos same tayo.tas ako lng magisa s bahay with my 2 older kids.nakakaiyak kc napagbubuntungan ko sila ng pagka irita ko.Nagdasal ako ,iniyak ko lang..tapos ,tuloy langHinga lng po momy.Mabilis lang yan,darating ung time hindi na sila dependent at clingy sayo mas nakakaiyak un.❤️

Nung nasa tummy ko pa sya inip na inip ako sa paglabas nya, pero nung lumabas na dun na magsisimula lahat (puyat, pagod, sakit ng katawan ulo, kulang sa kain,di makaligo stress , depress) kailangan natin mag sakripisyo para sa anak naten laban lang mi lalaki din sila magdasal lang tayo palagi hindi tayo pababayaan ni God kung yung ibang mommy nga kinaya nila kakayanin din natin yun ganto siguro talaga yung hirap lalo na kapag ftm. pero malalagpasan naten lahat to mi laban lang tayo para kay baby

Magbasa pa

Sakin mii 1 month and 2 weeks since nanganak ako until now thanks god di ako pinupuyat ni LO nakakatulog ako ng mahaba kasi usually tulog nya pag busog talaga sya 3-4 hours and pure breastfeeding kami☺️. Wait mo lang mii mag babago pa yang routine ni baby lalo na’t 3 weeks palang naman si baby. Wag ka lang magpaka stress kasi kung sakaling pure bf ka may chance na hihina yung supply mo tsaka baka mas lalong ma trigger yung postpartum mo

Magbasa pa
2y ago

Oo mii panay tae rin LO ko nung mga weeks palang din sya kaya todo linis rin ako sa kanya kada tatae sya. Sa pag tulog naman pag tapos linis ginagawa ko kinakarga ko sya para mas mabilis syang makatulog kaso ngayong 1 month and 2 weeks na sya sanay na syang naka karga bago matulog. Para sakin kasi mas mabilis sya makatulog lalo na pag naka karga kumpara sa papabayaan lang syang matulog mag isa kaya tuloy tuloy tulog ni LO ko

1st time Mom Din ako at na e-experience ko yan lahat ng sinabi mo . maiiyak ka nalang talaga pag ayaw pa matulog ni baby . pero iniisip ko nalang ung bright side , Pag tinitignan ko ung anak ko pag naiiyak ako at the same time andun din ung kasiyahan ko na binigay sya sken ni lord . wag mong isipin napapagod ka laban lang Mommy Kaya Mo Yan Katulad nalang ng d napagod ang mother mo sa iyo noon 😊 Happy Mother's Day 😊

Magbasa pa

My baby is 1month and 11 days kahit palagi po nya akong pinupuyat never ako nagsawa sa pagunawa, kahit nagsasagot ako ng papers ko karga ko sya nagdedede sya umupo ka po kapag papabreastfeed ka then lagyan mo patungan paa mo tyaga lng mommy paglaki ni baby okay na sya dmo na proproblemahin pagtulog sya bka sya na rin hihilot sayo after ur work remember anak po natin sila and dpat pagtyagaan godbless po

Magbasa pa