Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
baby boy coming soon ❤️
Blood Pressure Monitoring
Hello mga Mommies! Sino po dito nag mo-monitor ng BP nila? Thank you.
Tips & Advice Please
good morning mga mamshie! I am currently 25 weeks and 1 day pregnant. lagi akong fart ng fart lalo na sa umaga‚ and feeling ko kabag na kabag talaga ako. ang sabi kasi ng mother in law ko mahihirapan daw po ako manganak kung lagi akong kinakabag and dagdag sakit din daw po 'yon. always naman akong nagpapainit sa umaga between 6 or 7am basta may araw na at sa gabi naman always akong naka pajama at mahabang damit basta lagpas hanggang tiyan just to make sure na hindi ako papasukan ng lamig. electric fan po ang gamit namin at hindi naman ganon katutuk saakin. naghahaplas din po ako ng manzanilla. share naman po ng advice and also tips kung ano bang dapat gawin or kung may remedy/recommended kayong pwedeng ihaplas sa tiyan ng buntis. thankyou and have a nice day!
Pap Smear..
hello sino na dito na pap smear, tinawag niyo rin ba sa telephone number then trinansfer kayo sa 115?
High Risk Pregnancy..
tanong lang mga mommies kapag ba nilagay ka ng OB mo sa high risk, possible pa rin ba na maino-normal delivery ko si baby? Kaya daw po ako high risk kasi yung taas daw po ng sugar ko ay pasok na sa pagiging high risk, but wala naman akong nararamdaman na any symptoms na complicated at base sa ultrasound ko nitong second week of january okay naman si baby
About newborn baby
kailan po ba dapat unang paliguan ang newborn baby? Wala na po akong nanay, ang manugang ko naman po di na maayos makapagsalita.. dito nalang po ako magtanong ng mga dapat malaman ng isang first time mom
Ask lang po. First time mom, 20 weeks and 5 days now.
Kapag po ba high risk ang pagbubuntis mga mommy possible po ba na automatic via cesarian delivery agad ang panganganak? Ang sabi kasi ng asawa ko sana ma-normal ko po baka daw kasi pulutin nalang siya sa kangkongan dahil sa bayaran if incase ma-cs. Nilagay kasi ako sa high risk ng OB dito sa public hospital na pinag che-check up-an ko, dahil nakita po doon sa laboratory ko nung november 2023 na mataas daw po sugar ko, and may uti ako pero as of now magaling na uti ko kaya akala ko wala na akong magiging problema. Mahirap maging mahirap kaya dapat pagplanohan talaga ang budget kapag ready na mabuntis.
First time mom
19 weeks and 6 days na po ako ngayon, pero hindi ko parin ramdam si baby.. parang hangin lang po na dumaan sa loob ko yung nararamdaman ko. sainyo po ilang weeks/months niyo po naramdaman si baby? May iniinom naman po akong calciumade, appetamine, ferrous, tsaka anmum. nag papa araw rin po ako tuwing umaga at naglalakad lakad (exercise) hindi pa po ako nakakapag pa cas ultrasound dahil hirap sa schedule dito sa lugar namin.
Sana masagot
hi mga mommies I'm 20 yrs old then ang partner ko naman is 24. alam niyo po yung omegle tv? (merong app or pwedeng i-direct tru chrome hindi ko alam kung consider as a dating app... nag download kasi partner ko non kagabi "daw" sabi niya nakikita niya daw yon sa mga vloggers na mga single, so gumamit rin siya, valid ba itong nararamdaman ko na parang feeling ko its a small sign na pwede siya magloko? hindi ko ma gets nafe-feel ko, basta sumama loob ko. tinanong ko siya bakit siya gumamit ng ganon, gusto niya lang daw itry kasi nakikita niya daw siya youtube, so nung nag iba na mood ko dinelete niya.. sa tingin niyo mommy immature lang ba ako kaya ganon? o kung sa inyo mangyari yon, ok lang po ba yon sainyo?
first time mom
mafefeel na po ba ang baby kapag 18 weeks and 6 days? diko pa kasi siya na feel ng sobra, ang sabi kasi dito sa app na ito ma fefeel na daw si baby.. di naman po ako nagmamadali
18 weeks pregnant
Madalas kami mag away ng asawa ko, ano po mangyayari sa baby ko? napaka emotional ko po kasi at hindi ko mapigilan, mahirap naman po ikimkim ang sama ng loob kaya iniiyak ko para kahit papaano mabawasan nararamdaman ko, ayaw ko naman mapunta sa baby ko sama ng loob ko sa tatay niya.