First time mom
19 weeks and 6 days na po ako ngayon, pero hindi ko parin ramdam si baby.. parang hangin lang po na dumaan sa loob ko yung nararamdaman ko. sainyo po ilang weeks/months niyo po naramdaman si baby? May iniinom naman po akong calciumade, appetamine, ferrous, tsaka anmum. nag papa araw rin po ako tuwing umaga at naglalakad lakad (exercise) hindi pa po ako nakakapag pa cas ultrasound dahil hirap sa schedule dito sa lugar namin.
Baka kasi anterior placenta kasi di masyado ramdam si baby. nakaharang sa tyan mo yung inunan. Usually pag 1st time mom din hirap sila idistinguished ang movement ni baby. Sakin 2nd pregnancy kaya 18-19weeks ramdam na ang mga galaw at sipa.
ako mga 18weeks ramdam ko na si baby tas ngayon na 20 and 2 days ko na sobrang likot na niya nakakatuwa kahit na di naman gaano laki yung tiyan ko. 🥰
normal lang po yan kasi maliit pa. yung randam mong hangin, siya na po yan. parang kiliti lang talaga
19 weeks and 6 days din ako. nararamdaman ko po yung parang pumipitik pitik sa bandang puson ko.
me at 21 weeks, na feel ko kapag gumagalaw sa loob ng tyan ko 😄