Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy of 1 Cutie Patootie Siopao
Dad Mom And Baby Match Clothes
Hello parents, may marerecommend po kayong seller na matitinda ng match clothes. Yung baby ko kasi turning one na sa September. We would like to have match clothes.. Isasabay din po yung binyag. Also kung magkano range po ng magagastos. Ty. Muah
Dark Spots
Hi parents, nagkakaroon din na ng dark spots baby nyo after ng insect bites? Gaano katagal bago mawala? Sa baby ko kasi 2 months na, nandoon parin. Baby girl 9 months
Polycystic Ovary After Child Birth
8months PP CS Pumping momma Hi mommies. I just discovered na polycystic pala ovaries ko :(. Before I got pregnant, normal naman ang dalaw ko. Then after ko manganak, after 4 months PP I got my first period. Then naloloka ako kasi laging delay yung period ko. Nung kinumpute ko, 42 days na cycle ko unlike noon na 30 days lang. So every month nag PPT ako to check if I'm pregnant. Negative naman. Ngayong May, lumampas na ng 42 days and 1 week, wala parin akong period kaya nagpatingin na ako sa Ob ko, and un, polycystic ovaries daw. She prescribed me a pill na good sa bf. Pang 4th day ko na na umiinom ng pill. So mga inay, may same case ba sa akin dito? How was it? Anong effect nito sa inyo? Kasi ako nag lessen talaga milk out put ko. Kayo po? I just want to know lang po experience nyo. Sorry po napahaba. Thank you ??
Pumped Milk
Hello po mga mamsh, I'm working here on Manila and my LO po is nasa Province. She is 8 months old na po. Hingi lang po sana ako ng advise at tips. Gusto ko po kasi sana ipadala yung pumped milk ko kay LO. Kaso Mindoro po kasi province ko. 12 hours travelled by land. 1.5 hours travelled by plane. Meron na po ba dito g nakapag padala ng milk sa malayong Lugar? Ano po mga ginawa nyo? And anong carrier po ang tumatanggap ng BM para ipadala? Also kung makakapagbigay din po kayo ng rate. Thanks po.
Non Bake Lactation Cookies
Hi Moms! Meron po ba sa inyo nag try gumawa ng sariling non bake lactation cookies? How was it? Pwedeng pa share po ng recepi? Thanks
Away From LO :(
Hi parents, sino po dito yung baby ay naiwan sa province and we parents ay nandito sa Manila to work. The travel time ng bus sa amin ay 12 hours. Pag via plane is 1.5hours, pero super ginto ng price 4k+ one way palang ?. May baby girl is just 8 months old. Sa mga same case po dito, maaalala pa kaya tayo ni LO pag nagkita ulit? Medyo matatagalan kasi ang uwi ko ulit ?. Natatakot po ako na baka pag uwi ko, Di na nya ako kilala. Any thoughts po? Thanks.
Long Travel. Commute
Hi mga parents. This coming election, need ko umuwi ng province to vote. Kasi kung Di ako boboto baka mawalan na ako ng voting rights. Hehehe. Di kasi ako nakaboto last time. Uuwi kami sa mindoro and 12 hours ang bhaye by bus and may tawid dagat pa. May LO is 8 months old by that time. May masusuggest po ba kayong mga do's and don'ts sa byahe with LO? Isa pa pala po, my mom is insisting na dapat mabinyagan si LO bago itawid dagat eh nakapagdecide na kami ng partner ko na isabay sa 1 Yr old bday nya para isang pagod lang at gastos. Any thoughts po? Thanks
PCV 10 Las Pinas Area
Hi parents! First time ko po mag post dito. Ask ko lang po kung may marerecommend po kayong private pedia na hindi po pricy yung vaccine? My baby needs to have 2nd shot ng PCV po, galing po kaming manila then nag transfer na po kami dto sa Las Pinas. 3800 po PCV sa previous pedia niya. Any recommendation po? Thank you :)