Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Ashton Journey's mum
NAN Optipro 3 - frothy??
kaka-transition lang ng baby ko sa NAN Optipro 3 as per advice ng pedia nya. galing syang NAN Optipro HW 2. napansin ko frothy or mabula sya pag tinitimpla. ganun po ba talaga yun?? may effect po ba yun kay baby? TIA.
Child Support
sa mga single moms dyan gaya ko, kamusta ang financial support ng tatay sa anak nyo at paano nyo yun pinag-usapan? gumawa pa ba kayo ng kasulatan na pinirmahan nyong dalawa o verbal lang yung naging kasunduan nyo? anong ginawa nyo nung hindi tumupad sa usapan yung tatay ng anak nyo?
Pap Smear
mga mamsh share ko lang yung experience ko kahapon pagbalik ko ng hospital na pinag-anakan ko. i was supposed to have my final dose of anti-tetanus lang sana kaso yung OB ko biglang nagsuggest na i-pap smear na din daw ako. so medyo kinabahan ako kasi di ko alam kung masakit ba yun saka kung mabilis lang ba yung process. pero pumayag na din ako para makasiguro na din na wala akong infections sa cervix. mabilis naman yung pagkuha ng tissue, medyo masakit lang din talaga yung parang clamp na pinasok sa pempem ko pero tolerable naman. after 2 weeks daw malalaman ang result. almost 3mos na mula nung nanganak ako and hindi ko alam na kelangan din pala ng pap smear after manganak. kayo ba mga mamsh naexperience nyo din yun?
stresssssssssed sa daddy ni baby
hi sa mga mamsh na stressed sa tatay ng anak nila. ? share nyo naman story nyo kung bakit sila ang nagko-cause ng major headache sa buhay nyo. yung saken kasi may bayag kaso pangdisplay lang. ??
birth certificate
mga momsh may nagwowork ba sa LCR or sa PSA dito? ask ko lang ilang weeks or months bago masabing for late registration na yung live birth ni baby? 1 week ago na kasi nung nanganak ako & bukas pa lang namin kukunin sa ospital yung live birth nya bago iprocess sa munisipyo.
Natalac FeFol
hi mga mamsh, 37 weeks preggy here. niresetahan din ba kayo ni OB nyo ng Natalac FeFol? effective ba sya pampa-lactate? thanks! ☺️
big tummy dillemma
mga mamsh ako lang ba? ako lang ba yung sobrang nafufrustrate kapag lahat na lang ng hawakan ko e nahuhulog tas hindi agad mapulot sa laki ng tummy? ? share nyo naman mga big tummy problems nyo ?
baby name - Journey
mga mamsh papoll lang po. plan ko kasi ipangalan sa baby boy ko is Journey but im thinking of other names na pwede ipartner sa name nya. pls pick 1 below or kung meron kayong ibang name ideas feel free to comment na rin. thank yoooou ☺️☺️ a. elijah journey b. schyler journey c. samuel journey d. landon journey e. ashton journey
lactation cookies
hi momshies! pwede na bang kumain ng lactation cookies kahit preggy pa lang? 31weeks preggy here. ?
sss expanded maternity benefit
hi. sa mga momsh na nagavail na ng sss expanded maternity benefit, kasama ba sa bilang ng 105 days ang saturdays & sundays pati holidays? and one time payment lang po ba yun or every month may makukuha tayong monetary benefit from our employer? plan ko na kasi magfile ng leave by next week kaso wala kaming HR as of now kaya walang makasagot sakin sa work. thanks po sa sasagot ?