Sipit sipitan/ Cephalic Oblique

Guys, nagpa pelvimetry ako kanina, Cephalic Oblique si baby, naooblong na ang head nya kasi di talaga sya makababa. Naka tingala din yung posisyon ng ulo nya. Tanong ko lang kung may ganung case dito na nainormal pa? Maliit din ang sipit sipitan ko based sa xray. Medyo halo halo na ang nararamdaman ko e, inisched na kasi ako for CS dapat today pero etong tatay ko nagpipilit na baka kayang inormal daw. Wala naman daw kasi nung panahon nila ng maliit ang sipit sipitan at CS na ganyan. Nagwworry lang ako na baka patagalin ko pa kahihintay na mag labor ako pero ending CS din pala tapos magkacomplication pa ang baby ko baka mapapoops na sya. ??

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nkakaloka yang tatay mo. Nagkakanda oblong na kamo ulo ni baby mo.. 🙄 saka anung panahon pa ba kamo sinasabi nya na walang cs cs? Kasi nanay ko 45yrs ago cs na ang procedure sa kanya mula panganay hanggang bunso.. Naaalala ko dati nung buhay pa daddy ko. Bata pa ko nun ha kahit sa akin daw.. sabi nya mas ok daw sa kanya cs. Pakiramdam daw nya mas safe pa yun kesa sa normal.

Magbasa pa

Ok lang naman po ma CS as long as okey si baby. Ako po nun cord coil baby ko nagtry po kme magnormal kase 4cm na ako kaso ng curve po siya hindi po talaga makakaya may tendency po kase sumabog ulo niya once na ipilit inormal. Mahal po ang gagastusin kaso worth it naman po once na makita mo na baby mo. Praying for your safe delivery momshie!

Magbasa pa

My ganyan case ung kasabay ko mamsh namatay ung baby. Kasi muslim un bawal daw sa kanila e CS sabi nung parents. Nkatingala na ung baby at kahit anong enduced labor wla dun. Namatay ung baby kc pinatagal nila dahil sa katitingala na ipit na ung ulo pati ata ung spine naapektohan na.. Magdecide na kayo wag nyo pahirapan si baby.

Magbasa pa
5y ago

Kaya nga po. Yun din ang kinakatakot ko. Lagi kasi nilang sinasabe kala kadali makarecover pag cesarean. Ang tigas daw ng ulo ko at ayoko makinig sa kanila.

Momshie, follow mo advise ni OB siya mas may alam what’s best for you and baby. Explain nalang kay father dear well na si baby na yun affected kung patatagalin pa.

5y ago

Ayun lang! Ikaw pa din naman masusunod momshie e.

Ganyan po nangyri skn naun..nkaschedule nko ng cs ukas kc mlki nman c baby tpos maliit lng sipit sipitan ko..peo 2cm nko nun sunday p

5y ago

Pinilit ko na din magpa CS bukas. Ayoko mag take ng risk lalo na at buhay ng baby ko na ang pinag uusapan.

Sis baka naman panahon pa ni kopong-kopong yan? Nagtitipid ba kayo kaya ayaw ics? Pwd naman sa public kung tight ang budget.

5y ago

Kung anu sinabi ng Doc iyon ang gawin... Iba ang panahon noon sa panahon ngayon... Bka magaya ka sa akin

Pag ganyan po decide n po agad ako kc na emergency cs

San ba husband mo sis. Kau dpat masusunod