Baby Blues/ PPD

Mga mamsh. Thank you so much sa support. Umokey ang pakiramdam ko kasi alam ko na may nakakaintindi saken, sa nararamdaman ko, sa pinagdadaanan ko. Na hindi to arte lang, na tinoyo lang ako, na nababaliw nako. Hindi ko man nakuha yung suporta na kailangan ko sa asawa ko pero ayos na din kase may nakinig at dumamay saken dito. Right now, I'm establishing my bond sa baby ko, sinisikap ko na intindihin at ibigay yung alagang kailangan nya. Tanggap ko na na hindi man ako maging perpektong ina o hindi man ako makacope up agad sa changes na nangyari saken, hindi ako susuko para maging mabuting mommy sa kanya. I'm trying to be positive at oo kapit lang kay God. Lilipas din to at magiging okey lahat.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Always think positive lng momsh and pray lagi kay God. Ganyan tlaga pag mommy na basta ang mahalaga mahalin natin si baby at alagaan ng bongga! Madami dn akong tanong dati, madami doubt at negativity na nararamdaman pero God is so good binago nya ko sa kung ano ang dapat kong gawin at kung ano ang tama.. madaming sacrifices tlaga pag nagka'baby ka na.. yung work, career, yung mga party2 na nakasanayan mo before minsan khit family gathering, lalo na yung maganda mong katawan na natadtad na ng mga stretchmarks sobrang stress ako nun pero now I'm proud of it! Proud ako na fulltime mom nako sa anak ko at wala ng yaya/kasambahay na iba pang nag aalaga sa kanya kundi ako na.. Proud ako na nakikita ko mga milestones ni baby kahit sa napaka simpleng bagay lng ng pag sasalita o pagkilos nya na nakakatuwa. Bsta walang makapapantay sa kasiyahan na maging isang Ina. 🙂

Magbasa pa

Think of happy thoughts and dream of happy thoughts with your baby mamsh. Basta pag may nararamdaman ka,ilabas mo lang.sulat mo sa papel o post ka dito mamsh. Suportahan lang natin bawat isa kasi pare parehas naman tayong mga babae.🙂 Goodluck mamsh! God bless 😊

Magbasa pa

Mabuti naman mommy at somehow um-okay kana.. Magtutuloy tuloy na yan at maeenjoy mo na bonding nyo ni baby🤗🤗

Laban mommy 😊 Ang sarap mabuhay. There are so many reasons to continue living kahit may problema.

virtual hugs momshie and yes tama pray lang kay Lord malalagpasan mo din yan 😊