Hi mga momshies. Sana matulungan nyo po ako. Kaninang 3 AM nagising ako kasi naihi, after kong umihi medyo kumirot yung puson ko tapos may dugo na lumabas hindi nman sya malapot. As in dugo tlga tapos ayun kumikirot kirot na yung puson ko pero anlalayo ng intervals nila tapos nawawala din naman kapag may ginagawa ako like nag eedit or naghuhugas ng plato. Tinry kong bumalik sa tulog pero kumirot ulit sya tapos para akong natatae so ayun tumae nga ako tapos pagcheck ko may dugo paring lumabas sa pempem ko after kong tumae. Ngayon ay nawala na yung sakit ng puson ko pero malapit ng mapuno yung aking pantyliner sa dugo. Meron paring lumalabas. Ganito din ako last Tuesday, may dugo ding kasama sa ihi ba yun or tubig na ewan kasi konti lang nman tapos nagpunta agad kami sa hospital pero pinauwi lang ako after ng ultrasound at IE dahil hindi nman daw nagleleak ang aking panubigan. Ngayon po ay hesitant po akong pumunta sa hospital dahil baka pauwiin din ulit kami. Sana may makasagot na ganito din experience at ano po ang ginawa nyo or any suggestion po baka may mga OB-GYNE po dito 🙏🥺😢😭 Thank you po. #firsttimemom
Read more39 Weeks & 4 days No signs of Labor
Hi mga momshie. Stress is real na akes. 39 weeks and 4 days na ako ngayon pero no signs of labor parin. Lakad ko sa morning ay nasa 20-30 mins, nagyoyoga din po ako 30 mins kaso hindi nga lang araw araw kasi gumagawa din ako sa gawaing bahay lalo na't inaayos namin ang bahay at dalwa lang kami ng asawa ko na nag-aayos ng bahay namin. Nagtetake ng evening primrose oil since week 37 pero close cervix parin nung last IE sakin nung Monday. Nakakabahala na kasi po sabi ni OB candidate for cs daw which is nakakatakot para sakin🥺 Ano po kaya magandang gawin sa natitirang araw bago ang 40 weeks? #1stimemom #pleasehelp #advicepls
Read moreI'm a working pregnant for 5 months now at sabi ng OB ko ay masyado daw mababa yung aking inunan. Madaming pinagbawal na gawin pero hindi ko maiwasan dahil working preggy ako at wala namang akong sariling kotse para door to door araw araw. So, I need to walk and commute. Ask ko lang if ano ang magandang gawin upang maiwasan ang bleeding. Salamat. #1stimemom #firstbaby
Read more