Low lying Placenta
I'm a working pregnant for 5 months now at sabi ng OB ko ay masyado daw mababa yung aking inunan. Madaming pinagbawal na gawin pero hindi ko maiwasan dahil working preggy ako at wala namang akong sariling kotse para door to door araw araw. So, I need to walk and commute. Ask ko lang if ano ang magandang gawin upang maiwasan ang bleeding. Salamat. #1stimemom #firstbaby
Mommy, kahit ako na may kotse at may pwede maghatid sundo hindi ko pinagsapalaran po ang first baby namin. Nung 1st trimester kasi pinagbedrest din ako dahil sa spotting. Mula nung nabuntis ako hanggang ngayon na 21weeks na ko di ako pinayagan ng OB na magcommute lalo at malayo work ko. Ifinile ko po sa SSS at naka 120days na. (Huhu sana maapproved na) Pero naintindihan din kita kasi need nating kumita pero buhay kasi ng baby natin nakasalalay sa desisyon natin. Ang work kasi napapalitan pero ang buhay hindi. 😔 Ngayon na high lying placenta na ko nagdadalwang isip din ako kung papasok na ba ako sa work ko to think na 15km binabyahe ko papasok at another 15km pauwi. Pero napagusapan namin ng asawa ko na hanggang manganak na lang ako para sa safety namin pareho. Kaya mommy please, pag isipan mo kung anu mas mahalaga sayo, trabaho o baby mo?
Magbasa paPede ka huminge ng med cert sa OB mo for bedrest para makapag file ka medical leave of absence. Kasi need mo bedrest until kahit umangat lang placenta mo. Personally hinde ako mag risk na me mangyare. Mas priority safety ni baby. Ganyan ginawa ko first pregnancy ko. Nagleave ako 2 weeks. Maselan kasi. Me spotting ako. Sadly nakunan din ako. So ayun diretso na maternity leave after ng 2 weeks ko na leave. Me sarile pa ako kotse at minsan hatid sundo pa ako. Kaso sobra stressful talaga ang byahe at ung work na din. Ngayon pregnant uli after almost 4 years of trying. Nagresign na ako. Low lying placenta din at nag bleeding pa ako. Ayaw ko magrisk uli. Yung work anjan lang yan o madaling palitan. Ung buhay kasi ni baby. Mahirap ipagsapalaran.
Magbasa paLow lying din ako nung 6months check up ko. So far never namn akong nag spotting kahit na minsan nag cocommute ako single motor pauwi samin dahil di kami magsabay minsan ni mister sa schedule out namin dahil supervisor siya tsakA sobrang magalaw ako lalo na pag rest day or no work naglilinis ako nang bahay hahaha di ako mapakali kung nakahiga lang lagi eh. Advise lang sakin ni doc nun is hindi muna maki pag sex kay mister pero never namn din namin ginawa simula nung nabuntis ako. Kaya ngayunh 8months nako waiting nalang ulit ako sa next ultrasound ko para sa status ni baby sa loob breech din kasi siya nung 6months ako
Magbasa paSiguro po try nyu ang work from home set up or mag leave po muna kayo. high risk pregnancy po ang low lying. Ako po total placenta previa at nag bed rest po talaga ako, ayoko irisk yung safety ni baby lalo na first time mom din ako. 13 weeks nung nalaman namin na mababa din inunan ko, nag high lying na sya nung 22 weeks na ko. Hintayin nyu nalang po siguro muna na tumaas inunan nyu bago kayo ulit bumalik sa work. May mga cases din po kasi na kahit naka bed rest kana eh nag blebleeding ka parin or spotting, what more pa po yung gaya nyu na araw araw nag cocommute.
Magbasa paSame saken, kaka-hired ko lang nung nalaman kong buntis ako and I need med cert na pumapayag OB ko na mag work ako, sadly nung 1st checkup ko naninigas matres ko kaya ayaw pumayag ng OB ko. Halos 3 months ata akong naka bedrest and nag te-take ng pampakapit. Nung 5 months preggy ako, nag bleeding ako kaya hindi ko na pinilit mag work kahit super need ng pera, kasi totoo momsh na ang pera napapalitan, ang buhay ni baby hindi. Kaya pag isipan niyo po sanang mabuti. I'm now on my 35 weeks and 5 days and okay po si baby :))
Magbasa paNaku mommy wag mo po irisk si baby, request ka ng med cert sa ob mo then file ng SL. Ganyan din ako sa 1st baby ko maselan pinag bed rest ako but still nag wfh ako ayun sadly nakunan ako. Ngayon sa 2nd baby di na kami nag risk kasi same as first sobrang selan at mababa din ang inunan ko at first tri, i am now 27 weeks pregnant and since Feb naka bed rest lang ako until manganak na ako..
Magbasa paSakin mamsh nagpre-preterm labor ako at 20weeks 😵😢 Pero di ko sya nararamdaman. Sabi ng OB ko kung working daw ako sa office bibigyan nya daw ako ng medcert pero WFH naman ako kaya sabi nya much better daw yun di tagtag sa byahe 🙏 1st baby din kaya ayaw ko isapalaran si baby para lang sa work. Priorities talaga mamsh.
Magbasa paadvice lang po kung ako po sainyo mag bedrest muna kayo file po kayo sa SSS ng sickness para po kahit papano may makuha kayo yun nga lang matagal bago makuha.mahirap po i risk ang safety ni baby ang pera po kikitain niyo pa yan pero ang baby minsan lang yan dumating.ingat po kayo lagi.
6 months preggy here may trabaho din ako lagi naka commute .Suddenly nagspotting ako i don't know why siguro sa kakacommute ko okay naman ultrasound ko High lying naman tas cephalic .Pinabedrest ako nang OB for 2 weeks hope ma okay na ako for baby safety na din .
ako sis nagrequest sa office magwork from home since malayo din byahe ko uwian pa. nagkaroon kasi ako subchorionic hemorrhage at pinagbedrest ng 1 month. kay yan sinuggest sakin ng ob ko to prevent miscarriage. sa awa ng dyos pinayagan naman ako sa office.
1st time mom of a baby boy. ??