Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
A mom of a charmingly little princess.
Pills
Hello po. Sino na po sa inyo naka try ng Charlize ng Trust? Ano po effect sa inyo mga mommies? Tsaka ano pong brand gamit nio? Iba kasi effect sakin para kong nagka-LBM.
Breastfeeding and Chicken Pox
Hello mga mommies sana po matulungan niyo po ako. Nagka-chicken pox po ako last April 19, 2019. One month ko po hindi nakasama si baby, pinatuloy ko muna sa tita ko kasama mama ko baka kasi mahawa sakin nakakatakot baka magka-chicken pox sila. Bago ako magkabulutong may nalabasa labas pa po sakin na gatas. Ngayon po wala na. Gusto ko sana magkagatas po ulit pero natatakot ako kasi nga nagka-chicken pox ako baka makaapekto kay baby if ever mapainom ko siya. Pwede ba sya uminom ng gatas ko if ever po magkaron ulit ako? Tsaka ano pong pwedeng gawin at inumin para mag relactate po ulit ako? Ayaw din po ng baby ko dumude sakin kaya nung una pump po ako. Maraming salamat po.
Sipon kay baby
Hello mga mommies. Sana may makabasa. May sipon po baby ko ngayon 5 months old. Ano po pwede pa inom sa kanyang gamot na pwede sa age niya? Tsaka pwede na ba sya dun sa pinakuluang malunggay?
Bulutong
Hello mommies and daddies. 4 months and a half nko nakakapanganak at ngayon may bulutong ako eto pinaka ayaw ko mangyare saken pero andito na sya ? ang hirap hirap. Di ako makalapit sa baby ko. Ano pong pwedeng gawin para matuyo agad? Hindi mahahawa si baby as long as hndi ako nalapit sa kanya di ba?
Teething Baby
Hello mommies/daddies. Ano po ba dapat gawin sa baby na nasa teething stage na? Kung gagamit po ng teething gel okay po ba o hindi? At ano pong teething gel ang pwede. Salamat po! First time mom po kasi ako.
Pusod ni Baby
Hello! ? Good evening po. Nililinis po ba ang pusod ng baby? 2 months old na po baby ko. Kung nililinis po ano ang dapat panglinis at paano po. Natatakot kasi ako galawin kahit tanggal na yung pusod niya. Salamat po. First time mom po ako.
After birth
Hello mga sis! Tanong ko lang nung nanganak kayo gaano kayo katagal dinugo? Tsaka posible bang magkamens ng maaga? Hindi po kasi ako breastfeed ayaw dumede ng baby ko sakin tapos konti na lang po nalabas na gatas sakin. ? Thanks po. Kinakabahan kasi ako 1 month pa lang after ko manganak. Sabi kasi nung nurse sakin noon kapag naging red na red sya nabibinat ka daw pero wala naman po ko nararamdaman kahit ano.