Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy of Zib | FTM | eat, travel, click.
Ayaw na mag milk
Hello mga mommies! My lo is 7 months. Humina na siya dumede, at parang gusto niya nalang kumain ng kumain tuwing nagugutom siya. Pinapakain ko siya almusal, tanghalian at meryenda. Kahapon, dumedede siya eh kami ng kapatid ko kumakain ng chichirya nun, inistop niya pagdede niya at inaabot yung kinakain namin. Kailangan pa namin magstop kumain para ituloy niya milk niya🤣 Ask ko lang if okay na ba pag ganun gutom siya snack na siya, hindi na dede? Btw, sobra lakas niya kumain. Yung akala ko hindi niya mauubos na sineserve ko every breakfast at lunch, nauubos niya tas iiyak pa after na parang kulang pa. Hehe
mens or nah?
FTM | EBF | gave birth last January 25 Mga momsh, ask ko lang kung mens na kaya to? 2 days na bago tumigil yung dugo ko nung nanganak tas kanina may dugo nanaman ulit. Is it possible na magkamens agad kahit bf?
breastfeed
EBF Hello mga ma. Normal lang ba sa 26 days old yung maya't maya dede? Pag nakatulog na siya tatanggalin ko na tas iiyak kaya papadedein ko nanaman ulit, pag nalapag na sa crib mayamaya iyak ulit tas naghahanap dede. Paulit ulit lang kami ganun sa loob ng ilang oras. Feel ko tuloy antok na antok na siya dahil pagising gising siya. At baka overfeed nadin??? Thankyou mga mommies.
lungad or suka
22 days old | EBF Normal ba na lumungad ng madami si baby na parang suka na siya? Pinapaburp ko naman pero lumulungad padin. 2nd time niya na kanina yung lumungad ng madami. Thanks
brown discharge
38 weeks and 2 days. No pain pero may discharge nako na brown plus yung parang sipon. Malapit na ba to? Do i need to go to the hospital na? Last tuesday huling check up ko, close cervix pako nun then naglakad lakad ako after nun saka kahapon sinabayan din ng inom ng pineapple. Nag do din kami ni mister kagabi since nakakahelp daw yun mapabilis maglabor.
SSS Maternity
Hello. FTM here. May nababasa kasi ako sa FB na hindi muna nagpapachange status sa SSS dahil baka hindi daw makuha ang benefit since wala pang ID na pang married. Ask ko lang if pag ganun ang case, kasi sa live birth ni baby (which is isa sa mga reqs na ipapasa sa SSS para maclaim ang benefit) mag iiba na yung last name at marital status, okay lang ba yun? Since sa mat1, single at maiden name pa gamit, tas pagdating sa live birth iba na apelyido at married na? Im worried lang baka di ko makuha yung benefit dahil sa ganun. Thanks po sa mga makakasagot.