lungad or suka

22 days old | EBF Normal ba na lumungad ng madami si baby na parang suka na siya? Pinapaburp ko naman pero lumulungad padin. 2nd time niya na kanina yung lumungad ng madami. Thanks

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yessss,.. nakakaloka talaga yan mommy,.. pero normal lang po,.. may tendency talaga na mag overfeed kasi, konti lang talaga need nilang milk, pero dahil di pa sila aware dun, at di din natin alam, basta feed by demand, ilulungad na lang nila yung sobra,.. madalas susundan pa yan ng sinok,.. sobrang nakakaawa, pero normal po mommy,..

Magbasa pa
5y ago

Nako mommy, pag newborn talaga, wag mong pansinin yang 2-hour rule na yan,.. mas sundin mo yung feed by demand,.. hindi din totoo na nawawalan ng laman ang dede mo, laging merun yan, kahit malambot yan,.. mag hot compress ka na lang pag medyo masakit na,.. else, magiging iyakin kasi baby mo pag di mo sya pinagbibigyan, kasunod ng iyakin, eh pagiging kabagin/ututin,.. AT dahil dun, hindi kayo nagbibuild ng closeness ni baby, hindi sya nakakafeel na secured sya sayo, kaya hindi sya madaling tumahan pag ikaw may buhat sa kanya,.. i've learned this by experience,.. mabilis lalaki baby mo, mamimiss mo sya agad, kaya ispoil mo lang ng dede mo mommy,..

Sa check up nya po sa pedia, kung ok naman po weight gain nya, wala kang problema mommy, pero kung mababa weight gain nya, sasabihin naman sayo ng pedia ni baby ang gagawin,..

Yes momsh normal kasi immature pa ang digestive system nila

Normal lng po.