Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Queen bee of 2 sweet junior
3 months old baby posible bang nag iipin n?
Helo po mga momy anong buwan po nag start mag ipin ang baby nyo? Kasi si baby ko po simula nung nag 3 months nitong jan.22 napansin ko na parang iritable naglalaway kinakagat ang kamay at damit. pag nadede sa bottle feed may time na ayaw nya at matagal maubos parang wla gana dumede.gusto nya lang sa breast ko kaso po kunti lang suply ang milk ko para sa knya. kaya need po ng formula.nung sabado nagtae sya pero now ok namn po poops nya at di naman nilalagnat ok nman po ang tulog nya kaso may time na paiyak iyak at iritable ung naiinis sya.naisip ko silipin ang gilagid nya at un nga po may nakita ako na parang labasan ng ngipin nya sa may bandang baba pero di pa po lumabas ang ngipin..nagulat po ako kasi 3 months palang po sya.mga ilang months po ba nag ipin ang baby nyo?
1 week baby
Maaga po ba sa baby na 1 week palang kaya n nya iangat ang ulo nya? Sino po dto may anak n ganun?
1 month baby
Ok lang po ba ang natutulog n nkadpa? Pansin ko po kasi pagnakadapa sya sa akin dibdib ang sarap ng tulog nya then naisip ko padapain sa unan na malambot at un nga gusto nya ang himbing at nasasarapan sya ng ganun at ang bilis nya makatulog at di sya naiisturbo kahit maingay..pero minsan lang namn po..minsan pag feeling ko baka naman napapagod n sya pinapatihaya ko naman
induce
Share ko lang po kung gaano kabuti ni Lord sa naexperience namen ni baby nung ipinanganak ko si baby Hannah Trinity.. Oct.21 ng umaga nagpunta ako sa midwife ko para sa weekly chek up..2 ,3 cm n cervix ko..at due date narin nag wowory asawa ko baka daw. Ma over due at makatae si baby kaya sabi nya magpainduce nalang daw ako..sabi ko naman wag na muna ilakad at squat ko nalang..sa tutuo lang po napakasipag ko nman maglakad at squat halos ngalay n mga binti at paa ko pero nagtataka ako bakit di pa ako naglalabor puro paninigas lang pero wla pain sabi ng midwife ko pwede naman daw ako mag paninduce..10 pm nagdeside na kame mag asawa na induce na ako 12 am oct 22 admit for induce halos naubos ko na ang isa keri ko pa ang sakit at nakakangiti p ako,sa pangalawa 5pm ko na halos nrandaman ang matagal ko ng inaantay na pain ng labor sa bawat sakit halos napapadasal ako..10 pm i.e 7cm n pinasok na ako sa delivery room hanggang sa bukang buka na cervix ko urong sulong si baby un pala nakapulupot ang pusod ni baby sa leeg at naiipit pala ng blader ko si babay kasi namaga na so ayun kinatither ako para makalabas ang ihi ko gravee ang dami pala ihi kaya pala doble ang sakit na naramdaman ko sa tuwing hihilab sya di ko alam kung paano nangyari un pero ang mahalaga after nun lumabas n si baby at ang sarap sa pakiramdam napasigaw tlga ako ng thank u Lord.11:55 /oct 22 lumabas si baby..isang desisyon ang di ko pinagsisihan at tinest din ako ni Lord sa pananampalataya ko sa knya kasi bago ako nag pirma ng waver for induce may sinabi ng Dr. Saakin na pag di daw tumuloy tuloy ang paghilab within 24 hrs pwede daw ako ma cs..sabi ko wla po kame pera for cs pipilitin ko kayanin ang normal delivry sabi ko sa knila tiwla lang sa Panginoon.God is good at safe at normal delivery kahit nakapulupot at marami pagsubok at sakit at hirap worth it naman.sakripisyo ng mga ina para sa anak gagawin natin lahat s abot ng ating makakaya dahil sabi nga nila kalahati ng ating paa nasa hukay n..pero hindi hinayaan ni Lord na ma cs ako..
pusod
Mga mamsh..sino po dto ung may anak na matagal matanggal ang pusod..ilang days po b or weeks natanggal ang pusod ng baby nyo? Si baby 2 weeks n pero di parin natatanggal pusod pero tuyo naman n at wla naman amoy..kaya di naman po ako masyad nagwowory..
tummy
Mga momies coment naman po kau sa tummy ko 39 weeks and 6 days n sya..
paninigas
Gud ev.po mga momies..inorasan ko knina ang paninigas ng tyan ko simula 3pm hanggang 5pm..evry 15 minutes 10 times naninigas ang tyan ko.may maigsi at mahaba na paninigas,may malakas may mahina na paninigas pero wla p ako maramdaman masakit or spoting.nung ung huli chek up ko nito monday lang 1cm..39 and 5 days na ang tyan ko dto sa asian parents sa regla ko.oct.18 ang due ko sa ultra sound oct.21 pa..may nagpa induce nb sa inyo dto nung umabot n kau sa due nyo kasi wla tlga kau naramdaman na hilab or labor na sumasakit manlang..parang ako..sino po nakakarelate ng ganitong case ko hehehehe
early sign of labor?????
31 weeks5 days may pumupitik at feeling na may malalaglag sa pwerta ko madalas naninigas si baby at madalas din ang paglikot lage naiihi at feeling na parang lage natatae..at balisa di maktulog..kagabi may lumabas n parang plema pero wla namn po halong dugo at wla namang mabahong amoy..may naka experience n po ba mga ganito katulad saakin? Mix narardaman ko excited na nakakabahala din kasi masydo pa maaga para lumabas si baby..
raffle
Ask ko lang po kung may mga nanalo n dto sa raffle ng asian parents..at paano nyo po nalaman?at sino na po dto naka redeem ng points nila? At paano din..?or paano nyo nkukuha? Curious lang po ako kasi di ko po alam minsan lang kasi ako online..tnx sa mga sasagot sa tanong ko..
cramps
Helo po mga momies..lalo n po sa mga buntis na katulad ko..first time ko po magtanong..hehehe ask ko lang po bakit po kaya nag cacramps ang mga buntis? At ilang months po ba kau nag start ng mag cramps po kau ako po kagabi lang. 6 months na po tyan ko ngaun..at buti mabilis lang un cramps kasi napadasal tlga ako sa sakit..sna may makapansin sa tanong ko hehehehe