Zuriel Jace
EDD: October 19, 2020
DOB: October 14, 2020 at 4:36 pm
Weight: 4.05 kgs.
via ECS
We tried conceiving ng husband ko for almost 3 years. Akala namin baog kaming dalawa. I had a 2 cm myoma before pregnancy. Siguro dahil sa pandemic at nakapagpahinga rin kaya nabuo namin si baby this year.
Fast forward, October 14, pumutok panubigan ko at 5 am. Punta agad kami ng hospital at 6 am. Naglabor ako from 7 am, 4cm na daw ako sabi ng OB ko. Hanggang sa 12nn naging 10 cm na ako. I was rushed sa OR kaagad. Ire ako ng ire from 12nn hanggang 3pm. Ang sakit na talaga ng contractions ko. We tried normal delivery at first but since malaki si baby at may 7.7 cm na myoma ako which nakaposisyon siya sa lower uterine ko, failure to descend ang ending ni baby sa cervix ko. So my OB opted for me to go for ECS. No choice talaga eh so I decided na 'go na lang dok'. Thinking about my baby's health and safety first.
We had to wait for the on-call anesthesiologist. 1 hr din kami naghintay. Tuloy pa rin ang contractions ko, sobrang sakit pa rin. Until dumating yung anesthesiologist, naturukan na nya ako until sa nagnumb yung buong katawan ko hanggang sa nakatulog na ako. Paggising ko narinig ko ang iyak ni baby. Tears of joy talaga knowing na safe and healthy ang baby boy namin. Worth the pain and risk talaga. 😍😂😁 Now, I'm still recovering from my operation. Thank you sa app na 'to. I've learned a lot talaga from different mumshies.
Pray lang talaga mga mommies. 🙏🙏🙏I'm praying na sana safe and healthy ang delivery din ninyo.
#1stimemom #firstbaby #theasianparentph