Finally! our baby boy is here!

Zach Raphael Marial Born: Sept. 7,2019 3.3 kgs via c-section Just wanna share my experience as first time mom. He was born at my 39th week of pregnancy. Na emergency CS ako kasi hanggang 5cm lang ako ng dilate hindi na ng progress after 9hrs of labor hindi bumaba si baby kaya the doctor decided to cut me open since matagal na ako nag labor at maliit din daw sipit sipitan ko tapos malaki si baby around 3.6kgs sa last ultrasound ko. I was expecting normal sya kasi head down na sya ever since sa mga ultrasounds ko at wala naman kami mga problema at complications but then hindi talaga natin alam ang mangyayari on the day of delivery but it was worth it pagkakita ko ky baby at least safe kami dalawa at successful ang operation. Kaya kayo mga expectant moms laban lang para ky baby pray kayo always??

Finally! our baby boy is here!
80 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats mamsh ang pogi ni baby ♥Nakakakaba nmn sis from the start ng mga utz ko head down din si baby..i'm hoping din na manonormal ko sya pero sa mga nababasa ko katulad ng case mo nakakatakot baka ma cs din ako 😭😭😭

5y ago

expected ko na talaga na ma normal ako sis naiyak nga ako pag advise ni doc na i-CS na ako kasi baka mas mahirapan pa ako mag labor tapos cs parin ang ending. Ginawa kona lahat ng exercises at pampa induce at pampa soft ng cervix wala pa rin pero laban lang mamsh kaya yan💪😊

Same na same tayo ng nangyare sis. Magkabday din babies natin 😊 tagal ko nag labor pero nag end sa csection pero worth it pa din pag nakita mo na si baby lalo na pag narinig mo yung unang iyak nya. 💕

5y ago

6cm ako nun sis, ayaw kasi mag open ng cervix ko ng kusa. Pinipilit pa ng ob ko iopen paisa isang cm. Hirap na hirap na din ako kasi halos mag iisang araw nako nag lalabor.

Congrats mommy. Pagaling ka, hindi madali manganak at lalong hindi madali maCS. Kasabay ng pagrecover mo ang pag alaga sa napacute na baby na yan. God bless you both. ❤

5y ago

talaga hirap magbuhat ky baby kasi baka bumuka tahi pero laban padin mamsh para ky baby hehe😅

Dami natin same scenario. Sakin naman hanggang 4cm lang tlga.. head down din and normal lahat. Pero emergency cs pa din. Hehehe anyways, congrats!!

5y ago

isa sa risk din pag maliit ang sipit sis. tapos naka tingala din daw yung baby ko kaya ayaw bumaba..

Same situation tayo sis! 5cm lang din dilated di na bumaba. Cephalic position no complications at talagang dun na lang din kinaya.

5y ago

ang tagal nag progress ng cm ko hindi ko nga expected na ma. cs.. yes cephalic din sya.

Nagsquats po ba kayo or hindi? Minsan kasi pag ganyan dpat nagpapatagtag na lalo if kabuwanan na para di mahirapan

5y ago

yes po nag squats ako at naglakad2 din umaga at hapon starting 8th month ko. pero cs pa din😅

VIP Member

Aww ang cute cute ni baby lalo na yung way ng pagkaopen ng lips nya sa picture 😍 Congrats momsh! 😄

VIP Member

Congrats sis 🎉🎉🎉 sis tag tag ka ba ng nagbubuntis ka???

5y ago

Sana nga sis 🙏🙏🙏

Sana hindi maCS. Congrats and God bless our babies!! ✨🤰🙏

5y ago

pray ka lang mamsh🙏

VIP Member

Congrats mamsh, good thing safe kayo ni baby😊