Yung mother and father in law ko kasi pinakain ng honey si baby, konti lang naman, kasi nagngingipin na raw si baby. Yun din kasi nilalagay nila before. I'm in a mommy group sa fb and they kept telling na harmful sa baby. Dun na ako nagstart na magworry. So far, wala naman akong napapansin na kakaiba except sa nung gabi nung time na pinainom sha, super clingy nya. Kahit tulog na sha, ayaw niyang magpalapag at iiyak-iyak kapag nilalapag ko sha. Hindi naman sha ganun. Ngayon, okay naman sha. Active and talkative. Nagwoworry lang talaga ako. Kung harmful, may scientific basis ba? Dapat ko bang epush na wag na talagang pakainin ng honey si baby?