Pa Advice lang ..

Hi.. yung misis ko ay 29 palang sya at may dalawang anak na kami.. good provided ako malakas ako kumita.. grocery, bills, etc on time yan at marami akong negosyo in short in terms of financial wala kaming problema.. pero bakit ganun sobrang mapride nya talaga simpleng bagay na mali big deal na sa kanya, tapos galit din agad siya kapag makulit mga bata o kinukukit sya.. tapos sa part ko naman laging mali lang nkkita niya.. hindi ko makuha yung ugali nya.. yung mga advice ng iba na kausapin daw ganto ganun ay hindi nman effective dahil lalo lang nalaki ang issue kpag kakausapin mo. so tahimik nalamang ako..

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same samin ng husband ko in terms of financial.. stable kami kahit hindi ko mapractice sa ngayon ang Profession ko at siya lang nagwowork dahil baby pa 2nd born namin e sapat na ang sahod niya samin.. may mga hinuhulugan pa kami sasakyan at bahay.. Pero tulad ng asawa mo.. madalas din ako magalit, mainis at masungit talaga ako.. dahil may PPD ako.. tingin mo ba may postpartum depression din asawa mo? Napag usapan namin ng asawa ko.. hindi porket may kita siya at nabibigay niya samin lahat pati luho e hindi na siya tutulong saken sa bahay.. syempre Iba na Yun.. mahirap kaya maging nanay dami inaasikaso dapat may support din ni mister... minsan bigyan mo din Me Time si misis yaan mo siya magpa pamper pa spa or salon o kaya Pag shopping mo😆 reward lang niya bilang nanay.. saken sapat na Yun palagi ako nagcheckout sa Shopee ng mga bet ko hinahayaan nalang ako ni mister ko para daw di ako magsungit😆 Mag date din kayo yung kayo lang dalawa o kaya monthly push mo may travels kayo pamilya kahit dito lang sa Pinas para may bonding mga bata pa naman kayo tulad ng Sabi mo 29yo palang si misis mo.. kami nga ng Hubby ko 35 na kami😆.. at syempre wag niyo din kalimutan magpunta ng church pray kayo para mas maayos ang pagsasama niyo pamilya... uulitin ko hindi lang sa Financial ang support ng Isang Husband... Godbless

Magbasa pa