Pa Advice lang ..

Hi.. yung misis ko ay 29 palang sya at may dalawang anak na kami.. good provided ako malakas ako kumita.. grocery, bills, etc on time yan at marami akong negosyo in short in terms of financial wala kaming problema.. pero bakit ganun sobrang mapride nya talaga simpleng bagay na mali big deal na sa kanya, tapos galit din agad siya kapag makulit mga bata o kinukukit sya.. tapos sa part ko naman laging mali lang nkkita niya.. hindi ko makuha yung ugali nya.. yung mga advice ng iba na kausapin daw ganto ganun ay hindi nman effective dahil lalo lang nalaki ang issue kpag kakausapin mo. so tahimik nalamang ako..

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Being financially able to provide for your family is not enough. Time well spent with them is much more important. Have you tried asking your wife what she trully feels? What she really wants? Maybe she want you to spend more time with her like you used to before you got married, and have a baby. Oftentimes, we forgot to be in that romantic state again, because we're busy thinking about work, business, and how to earn more money. Maybe, she also wants a career of her own. Maybe she wants to provide also for your family. Maybe she wants at least a day out for a real "me time" to do what she used to do before you got married and start a family, like having a girls lunch-out with her closed friends, without worrying too much who will look after the kids and the home while she's not around. Try to communicate with her without getting into argument. Argument will only lead you to a fight, and worst, like separation. If it's hard for both of you, you can both go under marriage counseling. Also, try asking for a professional help to rule out postpartum depression... Most of all, the best you can do is to surrender it all to GOD. Pray and ask for his guidance. Anyway, you took your vows in HIS presence through the sacrament of marriage so asking the Lord to intervene will help you settle the issues. Just my two cents though! God bless your marriage.😊🙏

Magbasa pa

Same samin ng husband ko in terms of financial.. stable kami kahit hindi ko mapractice sa ngayon ang Profession ko at siya lang nagwowork dahil baby pa 2nd born namin e sapat na ang sahod niya samin.. may mga hinuhulugan pa kami sasakyan at bahay.. Pero tulad ng asawa mo.. madalas din ako magalit, mainis at masungit talaga ako.. dahil may PPD ako.. tingin mo ba may postpartum depression din asawa mo? Napag usapan namin ng asawa ko.. hindi porket may kita siya at nabibigay niya samin lahat pati luho e hindi na siya tutulong saken sa bahay.. syempre Iba na Yun.. mahirap kaya maging nanay dami inaasikaso dapat may support din ni mister... minsan bigyan mo din Me Time si misis yaan mo siya magpa pamper pa spa or salon o kaya Pag shopping mo😆 reward lang niya bilang nanay.. saken sapat na Yun palagi ako nagcheckout sa Shopee ng mga bet ko hinahayaan nalang ako ni mister ko para daw di ako magsungit😆 Mag date din kayo yung kayo lang dalawa o kaya monthly push mo may travels kayo pamilya kahit dito lang sa Pinas para may bonding mga bata pa naman kayo tulad ng Sabi mo 29yo palang si misis mo.. kami nga ng Hubby ko 35 na kami😆.. at syempre wag niyo din kalimutan magpunta ng church pray kayo para mas maayos ang pagsasama niyo pamilya... uulitin ko hindi lang sa Financial ang support ng Isang Husband... Godbless

Magbasa pa

Personally struggle ko din yan. Based on my experience, mabilis magalit ang isang mom dahil pagod siya and feeling niya siya lang ang lahat gumagawa sa bahay. Dumadaan din kami sa postpartum depression/baby blues. Minsan din may mga insecurities na sinasarili nalang namin—inshort napupuno at napupunta sa ibang bagay ang galit. Madami na-eexperience ang isang ina na hindi maiintindihan talaga nang mga daddy. Pero don’t give up. Just give her a hug and kisses. Mag parent date out kayo. Isa sa mga ginagawa namin nang husband ko is magdate na kami lang dalawa minsan— its the way to have strong connection padin kahit na may anak na kami. And communication is the key talaga. Hindi naaayos talaga ang problema nang isang mag asawa kapag hindi napag uusapan. Timing and respect lang din. Hopefully, maayos niyo na agad ni misis ang misunderstanding niyo. Godbless!

Magbasa pa
VIP Member

Postpartum is up to 7 years after manganak. Be patient with your wife nalang po and be a strong support system to her. Hindi din madali mag alaga ng bata. Ako nga isa lang inaalagaan ko pero sobrang pagod ako how much more kung dalawa pa. What I can advice sayo bro if you have free time you can take care of the kids to give time to your wife na makalabas like pamper time niya. 2-3 hours is a very big thing to us na makapag pamper naman sa mga sarili namin. Believe me it really works. Ganyan husband ko sa akin pag day off niya sa work. Yung husband ko pa nagpupush sa akin na magpa pamper. Give your wife a time to take care of herself lalo na siguro yung lifestyle niya dati is alagang alaga niya sarili niya. Always remember this: you cannot pour from an empty cup. Taking care of one's self is self-love and if there is self-love she has so much love to give to you and the kids.😊

Magbasa pa

If you love your wife dont give up on her and have a lot of patience. Communication is the key, not just talking but learn to listen too.. Nd natin alam kung anong pinagdaanan nya dati when she was a kid or yung past nya. May reason namn cguro kung bakit xa nagkaka ganyan just be patient enough to know what it is,or kung sobrang lala you may consider have her check. Kahit ako nd ko maintindihan ugali ko lalo na ngayon it's so hard to raise my child alone but i need to. Just give her some space and the same time be there to help her always and lastly dont forget to pray God na I guide kayong dalawa lage.

Magbasa pa

Communication po talaga ang solution sa lahat ng problems ng mag-asawa. Kung hindi ninyo napag-uusapan ang problema, hindi niyo ito magagawan ng solution. Pangalawa is compromise. Kung napag-usapan niyo na at walang gustong mag-adjust, hindi maaayos problema ninyo. Kadalasan nasa pagtitiis din yan, kaya tumatahimik na lang ang isa para wala nang away. Kung ayaw niya magbago at tanggap mo siya nang buong-buo, titiisin mo ugali niya. Kung hindi mo na kayang tiisin, at ok lang sayo maging broken family, hiwalayan mo na.

Magbasa pa

kung bigla nalang nagchanhe ang behavior nya after labor most probably postpartum depression but if ganyan na talaga ugali nya even before nagkaanak then it has something to do with paano sya pinalaki at nasa personality na niya. kausapin nyo po ng walang judgment muna, mahirap po intindihin ang tao emotionally or mentally struggling kaya grabe love po talaga needed.

Magbasa pa

Pops, baka po may mas prinapriority po kayo na dapat si misis muna talaga dapat inuuna. yan po nagiging feeling nga mga mommies na hindi masyado napaprioridad. baka naauna po ang friends nio or parents or ibang tao bago po yung panganagilangan niya lalo po yung presence mo po and engagement nio po sa activities nio as a family po.

Magbasa pa

alm mo po gnyan n gnyan din ung asawa ng pinsan kunting bgay lumlala pnapalki hanggat sa dmting sa punto nghiwlay cla my dlwang anak din cla puro babae nsa 10 years at 8 years old sadyang ugali n tlga nya non bgo plang cla ok n ok ang babae pru non tmagal don lmbas ang ugli.. kya hnd na nkayanan ng pinsan q totally nghwlay

Magbasa pa

Ganyan ako before aminado ako don na sobrang topakin ko at halos di na ko maintindihan ng asawa ko dahil sa ugali ko pero sa mga daddy need po tlaga namin ng sobrang lawak na pasensya niyo dahil sa postpartum namin believe me khit kaming mga babae minsan di na rin namin magets ugali namin