Pa advice naman po mommies!! ?

Sabi ko maghiwalay na kame at tuwing naghihiwalay kame dati laging issue yung ugali nya. Dati natitiis ko pa kasi ang inaalala ko yung good memories namen pero ngayon hindi ko na talaga kaya parang desidido na talaga ako na hiwalayan sya, kaso ayaw naman nya. Ang sakit sa dibdib ok naman sya pag galit talaga sobrang sakit nya magsalita. Parang wala na syang respeto saken lalo na sa mama ko may anak po kame dalawa :((((((((((

Pa advice naman po mommies!! ?
16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit di niyo po try magusap muna ng mahinahon ng partner mo? Para naman alam niyo yung nararamdaman ng isat isa. Pwede kasing parehas kayong stress kaya nagpapangabot kayo ng galit. Try niyo po kumalma muna bago kayo magusap. Pag nagkausap kayo ng maayos dun kayo magdecide kung ano dapat niyong gawin. Tingnan din po ang sarili baka may na cocontribute kayo para maging ganun yung reactions niya. Baka akala niyo siya lang may mali, e kayo din po pala meron ding di nagagawang hindi okay. Magreflect po kayong dalawa, kung kaya magpacounseling, better para mas maintindihan niyo at may professional or may hindi bias na person na makakapagadvise at makakaguide sainyo. God bless you both. I hope maayos pa kahit papaano.

Magbasa pa
6y ago

Ang plano ko po now dun muna sya sa mama nya para makapag isip isip kaming dalawa sa sobrang dami ng problema namin lalo na financial kaya po stress din talaga sya ako naman ang gusto ko lang magbago sya kasi matagal ko ng sinabi sknya na baguhin nya ugali nyang ganon ramdam kong wala na talaga syang respeto. Lagi nya sinasabi magbabago sya pero parang lumalala lang ng lumalala ugali nya lagi pabalang pa sagot pag kausap

Red Flag 🚩 Iwanan mo na yan, itago mo lahat ng ganyang messages niya, i-back up mo pa. Verbal abuse yan. Pati sa mother mo ganyan niya pagsalitaan. Hindi ko hahayaang lumaki ang anak ko sa ganyang klaseng tao. Humingi ka ng proteksyon sa barangay at kumonsulta sa lawyer. Ilaban lahat ng karapatan mo, bilang tao at ina ng anak niya. Hindi ka niya mahal, hindi ka niya itinuturing na asawa. Wala siyang karapatan na bastusin ng ganyan. Maging wais sa bawat hakbang ng gagawin, wag biglain, pasikretong gumawa ng mga hakbangin, bago makipaghiwalay. May tendency yan maging pisikal, mag-ingat ka.

Magbasa pa

Sa mga chat nya sis, pagod na pagod na sya magtrabaho para sa pamilya nya. Kasi malaman mo nmn pag mahal ka ng asawa mo,hindi yan mag rereklamo maiintindihan nya ang sitwasyon nyu kahit gaano kahirap. Ang gawin mo bigyan mo cya ng space, iparealized mo sa knya na kaya mong gawi yung mga ginagawa nya, be independent nlng kaysa aasa ka sa taong wala ng respeto sayo pati sa mga anak nya. Ipaalaga mo nlng ung mga bata sa nanay mo or may maiiwanan ka. Wag kang papayag na hindi cya ppayag na aalis ka. May sarili kang desesyon sa buhay.

Magbasa pa
VIP Member

Kung nagagawa mo responsibilidad mo sknya at sa anak nyo. Mali na itrato ka nya ng ganyan. Kung walang respeto sayo. Di ka rin itatrato ng tama. You deserve better. Know your worth. Don't settle for less. Tinatrato ka nyang pabigat. Mali yun. Siguro iba iba talagang ugali ng tao. May pinagdadaanan din siguro sya. Baka need din nya icomfort mo sya. Pero kung ginagawa mo naman yun part mo bilang partner asawa. Baka di nyo lang talaga deserve ang isat isa.

Magbasa pa
6y ago

Salamat sis may madadagdag ako sa itatanong ko sa knya para malinawan kameng dalawa

I think sis wala ka work, kaya ganyan partner mo. Sa panahon ngaun dapat pareho na kau nagttrabaho, pra taung mga babae di tau iniinsulto. Na kaya natin mabuhay ng wala sila. Tpos nsa inu pa mother mo. Ganyan tlga iisipin ng partner mo. Fren ko nga cnabihan pa na mukhang pera.. may isa akong fren ang sabi sa kanya ng mama nya kahit konti ang kitain mo ok lang basta may work ka. At kaya m mabuhay ng wala cia.

Magbasa pa
6y ago

Full time mom nga po e

stressed yan sis. aminin ntin pg tau stressed din mnsan my d rin mgnda words nasasabi. unintentional.. pro kc sis natitrigger xa lalo kya lumalala ang pnagsasabi nya. saka sis dont expect na dpt ganito cla magsalita etc. kc never tlg mngyyri un hayst.. sad but true. to comfortable sa yan kya gnyan. mdmi na cgro kay napagdaanan paghihirap at problema..

Magbasa pa
VIP Member

Stress na stress na po. Siguro si LIP mo sa work. Pero di din naman tama ung mga words nya. Give and take lang po baka kasi may ginagawa din kayo na ikakatrigger nya syempre pagod na nga sa work tapos baka may nagawa din kayo na di maganda. Pagusapan niyo ng maayos. Pag galit kasi ang isang tao kung ano ano lumalabas sa bibig..

Magbasa pa

Pero bakit kailangan nya pa ipost? Dami niya time ha? Dapat di pinapaalam lalo sa facebook friends personal problem niyo. Kung stress siya, di rason yan para murahin or magalit siya ng ganyan. Kapal ng muka niya inaalagaan mo naman anak mo. Kausapin mo yan mamsh. Baguhin niyo together ganyan nyang ugali

Magbasa pa

Ano po ba kinagalit nya? Anong ginawa nyo kaya nagalit sya based sa convo na yan? Mukhang malelate na sya for work, wala ka sa bahay and nasa kanya si baby kaya nastress at naipost nya yan. Tama ba assumption ko? Pero malala ang bibig nya pag galit ha. Pagusapan nyo yan.

6y ago

Ayun nga po malelate na sa work aminado naman po ako na mali po ako dun pero sobrang sakit nya po talaga magsalita kung galit po talaga sya nun maiintindihan ko kasi ako talaga male pero yung magsasalita po sya ng ganon pti sa mom ko sobrang sakit po. Ngayon po ayaw na pumunta ng mama ko dito kase napupuno na daw po sya sa lip ko naiyak daw po sabi ng ate ko pati ate ko ayaw na din po ako puntahan dito dahil pati sa ate ko may issue din sila :( magbbday panganay ko hindi ko po sure kung pupunta sila pero sana po pumunta sa ngayon po gusto ko lang mailabas lahat ng sakit minsan kasi mas gusto ko na lang magpahinga sobrang nakakapagod na po wala ako makausap :’(

Ano ba pinag awayan nyo? I think stress na stress na yung LIP mo sainyo. Syempre nagtatrabaho yung tao di ba tapos kayo yung binubuhay. Give and take lang.