Papatawarin ko paba o wag na?

mga momsh sana mapayuhan nyoko kung ano bang dapat kong gawin, yung asawa ko po kase gumawa ng kalokohan sakin πŸ˜” nangyare yun nung nagpunta kame sa pampanga ng baby namin. nag decide akong pumunta dun kase palagi kaming nag aaway para naman makapag palamig muna kame ng ulo namin pareho kaso sa pag alis ko mga momsh parang mas lumalala lang yung sitwasyon namin. nahuli ko po kase syang nakikipag chat sa prosti nagbayad po sya ng 1k sa prosti pero hindi po sumipot yung prosti na scam po sya hindi nya daw po nagalaw sabi nya sakin dahil daw po pagka padala nya ng pera thru gcash andami nadaw dahilan sakanya nung prosti. tapos momsh dinadahilan nya sakin kung bat daw po nya nagawa yun is dahil daw po umalis kame ng di bukal sa loob nya. pano ko pong iisipin na di po bukal sa loob nya e sumama pa nga po sya maghatid samin ng anak nya sa pampanga ano pong gagawin ko mga momsh humingi napo sya ng tawad sakin at inamin nya pong nagkamali sya at nangakong hinding hindi nya na uulitin papatawarin ko paba sya o tuluyan ko napong hihiwalayan

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Iba iba kasi yung cases mommy na karapat dapat patawarin at hindi may ibang tao na deserve ang second chance may iba na hindi. Unang una kung mahal ka talaga niya bakit siya makikipag dutdutan sa prosti pa talaga? Di niya ba alam na pwede siya makakuha ng sakit doon. Pero nasa sayo yan mamsh kung patatawarin mo since may anak kayo pero pag sakin ginawa yan wala na siyang babalikan pag nakagawa na kasi ng mali mahirap na ibalik ang trust lalo na't baka ulitin ulit

Magbasa pa
3y ago

yun na nga momsh e wala nakong tiwala sakanya kahit sinabi nya saking di na nya uulitin parang kahit sinabi nya yun nasa isip ko na uulit parin sya

Forgive him if love is greater than his mistake. Madali Lng naman samin magpayo pero at the end of the day ikaw pa rin naman makikisama sa kanya. So better decide kapag nakapagisip isip ka na ng mabuti.