Nakatira po ako ngayon sa bahay ng asawa ko kasama ang MIL ko at 3 nyang kapatid 27 na po ang bunso

Yung isa po ay 35 na at wala pang asawa babae, yung isa po nasa ibang bansa may asawa na. At yung panganay po ay nasa likod ng bahay lang nila nakatira na may 2 anak na babae na madalas din sa bahay ng asawa ko. Buntis po ako ngayon. Walang problema sa byenan ko pero nahihirapan ako sa parinig na ginagawa ng ate nyang panganay at nung pamangkin nyang grade 8. Ang asawa ko po ang gumagastos sa halos pagkain dito sa bahay at pambayad ng bills. Malakas po kita ng asawa ko sa shop pero sya po ang nagpapakain sa aming 9. Nagbibigay din po ako 15 at 30 tag 5k government employee po ako. Nahihirapan lang din po ako minsan. :( tipong baka nagkakaselosan na.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mi ayaw niyo po ba bumukod? ano paparinig ng kapatid niya kung nagbibigay naman kayo? pero para sa akin para sa ikaka peace of mind mas mainam ang may sariling bahay. yung malayo sa pamilya.. kasi totoo maaasahan mo sila dahil pamilya niyo sila. pero madalas niyan meron hindi pagkakaunawaan kaya mas mabuti pa bumukod nalang. kahit ano sabihin nila di niyo malalaman at wala ng pakealaman.. mag aabot nalang kayo kung gusto niyo at hindi na senyo pa aasa

Magbasa pa

mas maganda bumukod. lalo pa na buntis ka masama ang stress. kausapin m asawa mo, kahit maliit na apartmemt at wala gano gamit. kita nyo magiging maginhawa buhay nyo kahit pano