Mga Momsh I need Advice Kasi Ayokong Tumira Sa Bahay Nang Mother In Law Ko.

Yung husband ko, di pa kami kasal legally. Pero ngayon 3 months pregnant ako sa Province ako nagsstay kasama Ate ko. Okay naman ako dito, I'm free to do things that I want, walang bawal bawal. Samantalang nung last year nag try ako magwork sa Manila kaya naisip nang husband ko na doon muna ako sa bahay nila, di naging pleasant experience ko sa bahay nila. Ang daming sumbat nang magulang niya, eh nagaabot naman ako nang pera, ayaw tanggapin baka daw isumbat ko pa ung pag abot ko nang pera. So ang ending pakielamera Mom niya sa lahat nang bagay example: paglalaba, pagluluto ko, paglilinis nang kwarto namin. Lagi niyang sinasabi na mali yung way ko of doing things, I've been doing these things since teenager ako at tama naman ginagawa ko ngayon 26 na ko pero kung magsalita siya parang 18 lang ako. ? Maaga namatay Dad ko at buhay pa Mom ko, so napilitan kami nang Ate na na mag mature nang maaga at maging independent. A trait na namana ko sa Dad ko, the thing is no one taught me how to do things lahat yun by experience and research na ginagawa ko. Di ko ma tolerate yung taong nangingielam sa buhay ko, maski husband ko gusto na ko kontrolin. Sa ngayon nasa stage kami na bend or break, pwede pa kami maghiwalay sa taas nang tension at stress. Di daw niya kaya na ibukod ako now at di raw kmi makakaipon sa ganun, gusto niya dun na lang kami sa kanila... Eh di nga maganda trato nila sakin kahit pa mabait sila sa umpisa. Hindi rin hygienic ang lugar nila, maingay mga kapitbahay, mga bata at aso, walang guard house Subdivision nila hindi secured, malayo mga lugar na pwede puntahan, wala akong kamag anak dun na pwede takbuhan pag nagaway kami, di tapos yung bahay nila. Samantalang sa bahay nang Ate ko ngayon bago yung house kakalipat lang namin nang January, may sarili akong room, may security guard na hourly nagroronda dito, stable ang water and power, tahimik mga kapit bahay at di uso chismosa kasi Exclusive Subdivision siya 260 houses lang, tsaka dito ako lumaki sa Zambales kaya comfort zone ko dito, andito din sa Zambales ang Mom ko full support naman sila sakin nang Ate ko. Sa palagay niyo may advantage ba talaga ang pagtira sa bahay nang mother in law? Wala akong makitang advantage, puro disadvantage on my part. Advantage lang siguro para sa husband ko para parati niya daw ako kasama, pero magaaway naman kami niyan at makikielam na naman magulang niya. ?

27 Replies

VIP Member

i feel you. kung saan mo mas gusto tumira para hindi ka stress lalo na buntis ka. think happy thoughts.. 😊

Thank you momsh sa motivation. ❤️

kung saan ka mas komportable doon ka and explain mo sa hubby mo yung situation mo para di nyo na pag awayan.

Umiwas ka na lang my much better na jan ka lang muna sa ate mo para iwas stress para sa baby mo.

pakikisama sis at tiis tiis lang. labas na lang s kabilang tenga. tsaka panget talaga sa manila!

Mahirap talaga nakikitira mommy, nakakastress yan lalo na sa baby niyo. Dapat happy lang always.

Kahit sa parents ko nastrestress ako minsan mamsh. Dito kasi kami nakitira. Mas mainam talaga yung nakabukod para walang nasasabi. Hehe. anyway, goodluck sa mothermood! 😁😁

kung san ka masaya at komportable dun ka nalang sis pra naring sa safety nyo ni baby

Try nyong dyan sya sa ate mo. Mag share nalang kayo sa gastos

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles