Please enlighten me

Yung family ni husband ko, gusto nila palagi may say sa amin especially kay baby. Nakatira kami dito sa Cavite dahil dito ang work ni hubby, full time mom ako at mag isang nag aalaga kay baby pag nasa work si hubby. Yung family ni hubby ay sa Batangas sila and eventhough malayo kami, nagagawa pa din nilang i-ask si hubby ipagdrive sila everytime may ganap na malapit lang naman sa kanila to think na 2 hours away na layo namin sa kanila. What's worse is alam nilang may work si hubby para ipagpalit sa pagiging family driver nila. Wala kaming 4-wheels car, sila yung meron at gusto nila mag commute si hubby papuntang Batangas para ipagdrive sila to think na marunong naman yung mga kapatid nyang single magdrive. Siguro naman may karapatan ako mag complain since nahihirapan ako sa pag iisa sa pag aalaga sa baby namin at sa gawaing bahay, gusto pala nilang agawin yung time na dapat nasa bahay lang namin si hubby at nakakatulong kahit papano sa akin. Another thing, parang obligated kaming dalhin yung anak namin sa kanila at maging updated sila sa buhay ng anak ko. Nakakapagod din makisama, mahina katawan ko since meron akong autoimmune disease, mabilis akong ma-drain kapag nasa ibang bahay dahil wala akong sariling space. Mahirap mag alaga ng toddler na wala sa sariling environment. Everytime sinusubukan namin silang i-decline, nakakaubos ng pasensya dahil araw araw silang tumatawag para sabihing bumisita kami sa kanila. Si hubby nakakasawa na, walang ginagawang step para pagsabihan yung buong family nya na dapat hingiin din dapat nila sa permission ko. Paulit ulit na issue, parang ako pa yung mali. Parang ako pa yung extra sa sariling pamilya ko.#pleasehelp

10 Replies

Nakakainis lang mga inlaws na di pa kayang bitawan anak nila though alam na may binuo na tong pamilya. Mostly talaga sa side ng lalaki may mga ganyang inlaws e. And mas naiinis ako sa husband mo sis. Parang nakatali pa rin sa pamilya nya. Ganyan din husband ko dati sunud sunuran sa nanay nya pero binigyan ko ng ultimatum na kung susunod nalang siya palagi sa pamilya niya knowing na may pamilya na rin syang binuo, sabi ko mabuti pang umuwi lang siya kako sa kanila tutal di rin naman kami yung priority ng anak niya kako. Gladly, nagising husband ko.

dapat talaga binibigyan ng ultimatum ang ganyang asawa, ako dati sinabihan ko asawa ko kasi gusto ko n bumukod sinabi ko sa kanya " aalis ako kasama ka o maiiwan ka d2 sa mga kamag anak mo" buntis ako that time walang work lakasan ng lang ng loob kung gusto ko matahimik buhay ko pumayag namn kc kuya ko na tumira ako sa bahay nya n walang nakatira kc nasa ibang bansa xa kaya malakas tlaga loob ko lalo n kung nalaman nya yun sitwasyon kasi araw araw ako naiistress sa tita ng asawa ko noon at parang halos lahat sinabihan nya na wag ako kausapin ng dahil lang sa maliit na misunderstanding

VIP Member

I had almost the experience Po... pero. but masarap lang sa part is everytime I expressed myself to my hubby... kino consider Niya Naman... besides pag ayaw Kong magbyahe.. ayaw Rin Niya... it doesn't need to be an argument na Kasi mas alam Niya na kelangan ko rito than being present sa ibng events... besides .I made it clear sa kanya . lahat Ng nararamdaman ko, in a humble way of speaking ... they're maybe times n ma misintrepret Namin at Ang isat Isa . but he made sure I'm the topmost priority...

Base sa kwento mo, inconsiderate ang family ng hubby mo. The problem is hindi lang family ng hubby mo ang may problema kundi pati mismo si hubby mo. Kailangan gumawa na siya ng step para sabihin sa family niya 'yung concern mo. 'Di naman masama kung gusto nila palaging makita si baby niyo, siguro tignan mo na lang siya in a positive way na mahal nila ang baby niyo pero sana may sched din like twice a month lang.

Sasabihin ko po sana na kausapin nyo si husband nyo, pero it turns out na nakausap nyo na rin pala sya... Sa tingin ko ang problema ay hindi lang dun sa in-laws nyo but mostly sa husband nyo. Kasi nasa kanya rin naman yung ultimate decision whether or not pagbibigyan nya yung requests ng family nya. Yung priority and loyalty nya ay mukhang mali po ata...

Agree.. Si husband ang may problem, siya nman kasi ang may control sa family niya. Kung naopen-up mo nman sa kanya yung gusto mo mangyari tapos ganun pa rin eh wala kang talaga magagawa kundi control your reactions nlang kasi pamilya niya nman yun pero sana isipin ng hubby mo na gumawa na siya ng family so dapat kayo ang top priority.

Minsan kase tayong mga wifey e mas nangingibabaw satin yung respeto kahit na ddrain natayo 😅 pero proud of you mi kase kahit ganyan na di mo parin nagagawang bastusin ang inlaws mo baka dipa sila handa na lumayo asawa mo sa puder nila kaya pilit na pilit silang ipag drive kahit anlayo nyo sa kanila ☺️

Nakakarelate ako dun sa part na ginagawang driver yung mister hahaha. Di ako confrontational na tao, pero nilakasan ko na loob ko at sinabihan ko na si mister. Nakakaawa kasi, di na naisip na may pasok yung tao at napapagod. Kaso mismo si hubby ang di marunong tumanggi. Hayyy

blocked mo sa social media at sa cp mo. para d ka ma stress at wala ka mrcv na txt o call o chat... para may peace of mind ka. un hubby mo hayaan m sya d pala marunong magsalita na ssbhn lang na d pede o ganyan mppgod dn yan...

kung gusto nila makita apo nila tapos my car pa sila. sila nlang bibisita sa inyo. May say ka din mi anak mo yun. yung husband mo di alam priority sa buhay.

learn to say NO. Dibale na makilala ka nilang maldita at pagsabihan mo din asawa mo nasa sakanya rin naman yun if he wants to do it eh.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles