CHILD FROM PREVIOUS MARRIAGE

Meron ba ditong same case sakin? Nagkaanak si hubby sa ex-girlfriend niya? They were together for a long time. Nabuntis si ex pero di sila nagpakasal dahil bata and nagaaral pa sila nun. Few years after pinanganak yung bata, nagloko si ex niya, pinagpalit si hubby kaya sila naghiwalay. From then 'til now, na kay hubby yung custody ng bata bilang siya yung nagpapaaral. Nakikita lang ni ex yung bata once a week and hatid sundo din ni hubby sa bahay ni ex. Tanggap ko yung bata, bilang I've known the child since pagkapanganak pa lang. Ang medyo off lang sa part ko eh lahat ng responsibilidad nasa hubby ko lang. From pagpapaaral, food, shelter, swimming and voice lessons, ultimo pambaon sa school, hubby ko ang nagshoshoulder. Minsan, routine check up fee lang sa pedia, masama pa ang loob niyang bayaran. Sa tingin nyo, okay lang kaya na sabihan ko si hubby na kausapin niya ex niya? Na kahit papano mag shoulder naman ng expenses? Kahit man lang yung daily allowance lang ng bata? Is it too much to ask from her? Single si ex btw, may work din. Buntis din kasi ako, nagaalala lang din ako para sa baby ko. Ayoko naman na lahat ng funds ni hubby, nasa isang bata lang ang concentration. May law ba na pag inacknowledge ng dad yung bata? Nasa kanya lang ang sole responsibility sa pagpapalaki at paggastos kahit may means naman ang ex? Thank you sa mga sasagot and magbibigay ng insights.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Halos same tayo, pero sakin kasi may baby na bago din yung ex kaya pinabayaan na nya samin yung 2 anak nila. Nakakalungkot kasi yung ex nya nakakafocus sa baby. Tapos ako nagwowork at namomoblema papakain sa anak nila. Di ko matutukan sarili kong baby kasi pag nawalan ako work i doubt na kaya i shoulder ng partner ko lahat. Given na sakanya na electric bill, car (tuition ng 2 anak nya at gadgets) Sakin groceries, water, internet at ibang baby stuff

Magbasa pa

Hi mommy. Ang alam ko is ang responsibility ng tatay is sustentuhan ang bata, legitimate or not. Kung hindi niya sustentuhan, maaari siyang magmulta and/or mawalan ng custody sa bata. Depende sa naging agreement nila mommy kung anong scope and limitations when it comes sa hatian ng responsibility nilang mag ex.

Magbasa pa

Si hubby pa din naman ang magsusustento ng majority ng expenses, of course. All I am asking e kahit man lang mga minimal na gastos like pambaon sa school or pag grocery ng snacks sana. Walang formal na usapan na nangyari about sa custody ng bata btw, yan na lang talaga yung set up nila eversince.

6y ago

Kung ganon po, pwede naman sila mag-usap ulit para maging formal. Maiintindihan naman siguro nung ex ni Hubby at hindi rin naman ganon kabigat sa kaniya yung ipapakiusap niyo.

bt kasi nagjowa ka ng may sabit 😄