Please enlighten me
Yung family ni husband ko, gusto nila palagi may say sa amin especially kay baby. Nakatira kami dito sa Cavite dahil dito ang work ni hubby, full time mom ako at mag isang nag aalaga kay baby pag nasa work si hubby. Yung family ni hubby ay sa Batangas sila and eventhough malayo kami, nagagawa pa din nilang i-ask si hubby ipagdrive sila everytime may ganap na malapit lang naman sa kanila to think na 2 hours away na layo namin sa kanila. What's worse is alam nilang may work si hubby para ipagpalit sa pagiging family driver nila. Wala kaming 4-wheels car, sila yung meron at gusto nila mag commute si hubby papuntang Batangas para ipagdrive sila to think na marunong naman yung mga kapatid nyang single magdrive. Siguro naman may karapatan ako mag complain since nahihirapan ako sa pag iisa sa pag aalaga sa baby namin at sa gawaing bahay, gusto pala nilang agawin yung time na dapat nasa bahay lang namin si hubby at nakakatulong kahit papano sa akin. Another thing, parang obligated kaming dalhin yung anak namin sa kanila at maging updated sila sa buhay ng anak ko. Nakakapagod din makisama, mahina katawan ko since meron akong autoimmune disease, mabilis akong ma-drain kapag nasa ibang bahay dahil wala akong sariling space. Mahirap mag alaga ng toddler na wala sa sariling environment. Everytime sinusubukan namin silang i-decline, nakakaubos ng pasensya dahil araw araw silang tumatawag para sabihing bumisita kami sa kanila. Si hubby nakakasawa na, walang ginagawang step para pagsabihan yung buong family nya na dapat hingiin din dapat nila sa permission ko. Paulit ulit na issue, parang ako pa yung mali. Parang ako pa yung extra sa sariling pamilya ko.#pleasehelp