Swerte sa partner

Hi mga momsh.. since you were a parent ano ba set up nyo ni hubby/mommy sa pag aalaga kay baby? Share ko lang sakin.. Si hubby yung may work, pag may pasok sya syempre ako maiiwan kay baby, pero sa gabe sya na nag babantay, sya yung gumigising, pag timpla pagde Dede na si baby, and pinapabayaan nya lang ako maka pag rest.. dyan mo talaga makikita kung ang partner mo ay responsible..♥️♥️

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

my husband works pero sa bahay lang.. sa morning pag nagising si baby ng 7am hanggang around 9am or 10am, siya nag aalaga kay LO habang ako nagbabawi ng tulog at pagkagising ko ng 8am, gumagawa ng gawaing bahay. By 10am nakaluto na ko nyan, akin na si LO. Every now and then pag hapon, bumababa si hubby para icheck kung ok lang kami ng baby ko. If di na siya masyado busy at wala na task sa work, siya na uli nag aalaga habang ako balik gawaing bahay o pahinga for a while. Mga 6:30pm, iaakyat na ni hubby si baby habang ako nagreready na ng panligo ni LO. Tapos after ko paliguan si LO, ako na nagpapatulog. If evwr may pupuntahan ako o wala ako maghapon, kayang kaya lahat ni hubby ginagawa ko kay baby. Di ako masyado worried. Ganun kami araw araw.

Magbasa pa

Naka-leave sya ngayon kasi bagong panganak, so hati kami pag gabi. Pinadede ko muna si baby girl para busog sya tapos sya ang nag guide kay kuya na magbrush ng teeth. Then palit naman kami, sya kay baby girl while I help kuya sleep. Salitan lang. Then nung afternoon nag nap ako para makapahinga, tsaka para ready sa night shift with baby girl 😅 We're still trying to figure things out pero teamwork talaga kailangan especially now na dalawa na sila.

Magbasa pa

truee😍 mula sa panganay gang ngayon kay bunso😍 pero di nagtitimpla ng gatas Bf kami siya naman yung taga laba ng damit namin kahit galing work at gabi na, eto pa hindi gumagamit ng washing handwash pa si mister😍 ayaw kasi niya ng parang hindi daw kasi nalilinis talaga damit namin sa automatic e, kaya kahit siya sariling damit niya nung binata pa siya hindi niya pinapalaba sa mama niya kaya yun nadala naniya ti samin💑

Magbasa pa
VIP Member

Si hubby ko din po ang may work, ako naiiwan lang sa bahay dahil kapapanganak ko palang. Pag galing ng work, siya magpapa-tulog at magpapa dede kay baby basta timplahan ko lang pero mixfeed po ako. Ayaw niya ako pakilos'sin. Very responsible na siya kahit nung buntis palang ako!😇❤️

VIP Member

Parehas kami ng hubby ko ng trabaho, then nag uuwi pa xa ng trabaho sa bahay. Kaya naman ako lahat ang incharge sa bahay lalo na pgdating sa baby namin. Wla rin kaming yaya kc mhirap kumuha sa area nmin mhirap mgtiwala sa iba kaya kahit hirap ako kinakaya.

VIP Member

mr q pasok 7 pag uwi mga 9 na ng gabi.delivery boy po siya ng gas.pero ni minsan di siya nagreklamo at di siya nawalan ng oras para buhatin ang bunso nmin.at laruin naman yung panganay at pangalawa namin.mapaka swerte namin sa knya.

VIP Member

Keep up mommy and Daddy. Ako, since ldr kami ni husband, ako lang nag-aalaga sa anak ko. Kapag rnr lang, so far medyo ginhawa sa part ko kasi may kapalitan ako mag-alaga kay, binubuhat niya naman at pinapabottle feed.

VIP Member

hubby ko minsan nagtatake over sa mommy duties lalo na if he knows na madami ako ginawa that day 😊 lucky lang na work from home siya now kaya kaming dalawa salitan nag aasikaso sa baby namin.

sana lahat ganyan 😥ako kase dipa nailalabas si baby sa tummy ko .hiniwalayan nya na ko😥 first baby namen

very true meron kasi ung nagwork lang wala na papahinga na sila, konting alaga konting tulong okay na sknila.

4y ago

same tayo mommy pero pg pagod talaga cia sa work ako na ang ng padede ky baby pg madaling araw